Chapter 17

33.6K 921 700
                                    

Thank you so much for  40K reads!
I have upcoming book signing this July 2 (details are on my tiktok, twitter account or pwede niyong bisitahin ang Popfiction page sa facebook). See you sa mga pupunta at magpapasign sa akin. Kinakabahan talaga ako na baka walang magpa-sign sa akin kaya kahit isa o dalawa lang magpasign sa akin super happy na ako. 🥹☺️

Kapag magpo-post kayo sa tiktok about Gray Walls, i-mention niyo ako para makapagpasalamat ako.

Don't forget to use this hashtag #GrayWallsWP if you want to tweet about it and don't forget to mention me para ma-like ko.

Thank you so much for all the comments! Nababasa ko lahat 'yan🥹🤍. Thank you so much for being patient with my updates here, it's been 2 months, malapit na itong matapos 🤍

I wrote this habang night shift ko tonight sa hospital at habang wala pang  pasyente so sana magustuhan niyo. Kaso nagkaroon ako ng ER at newborn patients kaya ganitong oras ko na na-post

_______

Wala ako sarili nang kinailangan kong makipagkitang muli kina Mr. and Mrs. Oliveros. Hindi ko namalayan ang araw, isang linggo na lang. They both instructed me to go at the nearest café. They both waited for me there, but what shocked me the most was also the presence of Tita Agnes. She was with them. I noticed her swollen eyes same with Mrs. Oliveros when I got closer to them. What was happening? I mentally asked myself.

Nang makalapit ako sa kanila ay hindi makatingin sa akin ng diretso si Mrs. Oliveros habang si Mr. Oliveros naman ay seryoso at malalim ang iniisip. Napansin ko ang isang envelope na nakapatong sa mesa katabi ng mga kape nila.

Huminga ako nang malalim.

"Hello po," binati ko sila. Parang hindi nila napansin ang pagdating ko.

"Take a seat, hija."

Hindi tulad noong nakaraang araw ay mas maingat ang bawat galaw nila. I wonder if my aunt told them something. Did she tell them I was pregnant? Tinimbang ko ang bawat reaksyon nila subalit wala akong makuhang sagot. It's not about me being pregnant. Tungkol saan kaya iyon?

"Here's your plane ticket to California," they asked me to apply for US VISA right after I got my passport. I processed all the papers needed and everything went smooth, they just needed my presence. Kung ang iba ay nahirapang makaalis ng bansa, sa lagay ko ay naging madali lang ang lahat. Gustong-gusto talaga akong paalisin, mapakla akong napangiti. "Isusunod namin ang plane ticket ng tita mo," namilog ang mga mata ko. Makakasama ko si tita! Kahit paano ay gumaan ang bigat sa dibdib ko. Hindi ako mag-isa.

"Paano si Tito?"

"Alam naman na ng tito mo ang tungkol sa pag-alis ko at nakaplano na rin naman ang pagpunta ko sa California. Doon ako magtratrabaho bilang nurse, kumpleto na rin ang mga papeles ko, naghihintay na lang naman ako sa tawag ng agency ko. Dahil wala pa naman silang tawag ay susubukan ko na lang siguro ang direct hiring doon pagkarating na pagkarating natin."

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. I won't be alone.

"Totoo po ba?" napayakap ako kay tita. "Thank you, tita." Tumikhim si Mrs. Oliveros kaya napabaling ako ng tingin sa kanya.

"We will support you. We will give you everything you need. Once you landed in California, someone will contact you and give you the job based on your credentials, a managerial position." Napalunok ako, hindi makapaniwala na may ganoon silang plano para sa akin. Akala ko ay basta na lang nila akong ipapatapon doon subalit kahit hindi naman nila ako bigyan ng trabaho ay sisikapin kong makahanap. What if I'm really pregnant? I will need to prepare myself emotionally, physically and financially.

Gray Walls [Published under Popfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon