Chapter 13&14

942 31 0
                                    

Chapter:13

Kalem Valerian POV

"Let's go dude." Saad ni Mike at Harold tsaka ako hinatak pasakay sa kotse nila

Inimbitahan kase sila ni Ace na pumunta sa birthday nito at Dahil bwisit 'tong dalawang 'to, Dinamay pa ako. Alam naman nilang may galit kami sa isa't isa ni ace dahil minsan na nitong tinangkang agawin ang Girlfriend ko

"Nga pala dude, bakit hindi mo kasama si Ms.West?" Agad na sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya

"Pwede bang wag nalang natin siyang pag-usapan?" Kunot noo kong saad

"Eh? Bakit naman nag-away ba kay--"

"Shut up!" Inis kong sigaw kaya natahimik sila.

"We're here." Saad ni Harold tsaka bumaba ng sasakyan kaya sumunod kami sa kanya

"Oh welcome to my party guys, Hindi ko alam na pupunta ka rin pala." Salubong sa amin ni Ace habang nakangising nakatingin sa akin pero walang emosyon ko lang siyang tiningnan

"Sinama kase namin siya." Singit ni Mike

"Ah ganon b--"

"Insan!" Sigaw ng kung sino man tsaka yumakap sa kanya

"Oh kath, mabuti at nakapunta ka, sinong kasama mo?" Saad ni ace dito

"Si Xana." Masayang saad nito tsaka may itinuro kaya napalingon kami doon

Nagulat ako ng makita si west na palinga linga at  bakas sa mukha ang pagka-irita.

D@mn! Ganon ba kaliit ang mundo at nagkita na naman kami?

"Ms. West." Tawag sa kanya nila Mike kaya napatingin ito sa gawi namin. Nang magtama ang paningin namin ay hindi ko maiwasang hindi kabahan sa paraan ng pagtingin. Napaka-blangko

Nagsimula siyang maglakad palapit sa amin at akala ko sa akin siya lalapit pero nilagpasan niya lang ako

"You came." Ngiting saad ni Ace tsaka niyakap si West

"Yeah." tipid na sagot nito

"Hi Kalem, ako nga pala si Kath, Kaibigan ni Xan-- i mean West." Saad ng pinsan ni ace kaya tinanguan ko nalang 'to

"I miss you Babe." Kumunot ang noo ko dahil sa tinawag ni ace kay Western Union

"Tsk." Tanging sagot nito kaya napangisi ako. Hehe babe ka pa ah

"What are you doing here?" Baling ni west sa akin

"Bakit ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito?" Usal ko

"Tsk, nonsense." Usal niya kaya kumuyom ang kamao ko

"Wait, You know each other?" Singit ni ace pero hindi namin siya sinagot

"Let's go inside." Saad ni Western Union tsaka sila hawak kamay na pumasok sa loob ng bahay nila ace. Bwisettttt!

Madapa sana kayong dalawa! Parehong bwisét sa buhay ko.

"I smell something fishy." Ngising saad ni Harold kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Amoy mo lang 'yun, maligo ka kase." Inis kong saad tsaka padabog na pumasok sa loob ng bahay nila ace

Letche!

.
.
.
.
.

Chapter:14

Kalem Valerian POV

"Hoy dre hinay hinay lang." Saad ni Mike tsaka inagaw ang alak na hawak ko

"Akin na 'yan!" Sigaw ko pero hindi niya ibinalik

"May problema ka ba dre? Pwede mo sa aming sabihin." Saad nila kaya napayuko ako

"I miss my mom." Saad ko kaya tinapik nila ang balikat ko

"Don't worry bro, kahit wala si tita sa tabi mo, Nandito naman kaming dalawa." Saad ni Harold kaya napailing nalang ako tsaka tumingin sa pwesto kung nasaan si Ace pangit at Western Union alyas abno

"Come on babe, Let's dance." Saad ni ace habang hinahatak patayo si abno na kanina pa nakakunot ang noo

"Tsk, sumayaw ka mag-isa mo, wag mo kong idamay." Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa sagot ni Abno. Hambog talaga. Pero buti nga Kay Ace pangit

"Pft para kang timang dyan dre." Natatawang saad ng dalawa kaya binatukan ko sila.

"Why so harsh on me, Babe?" Ngusong saad ni ace tsaka inilagay ang magkabila niyang braso sa gilid ni abno at inilapit ang mukha niya.

Balak niya bang halikan si western union?

Bago pa niya mailapat ang labi niya dito ay mabilis akong tumayo at kahit pagewang gewang ay nagawa ko pa siyang hatakin palayo kay west

"What the heck?" Sigaw niya ng itulak ko siya dahilan para matumba siya

"Ano bang problema mo ha? Naghahanap ka ba ng gulo? Nakalimutan mo na bang nasa teritoryo kit--"

"Talk to my hands as$hole." Saad ko tsaka itinapat sa mukha niya yung palad ko

"Hoy! Umuwe na tayo." Baling ko kay Western Union na prente paring nakaupo sa sofa

"Tsk, why would i?" Malamig niyang saad kaya kumunot ang noo ko tsaka lumapit sa kanya

"Anong why would i ha? Nakalimutan mo na bang trabaho mo na protektahan ako? Kaya dapat lagi kitang kasama." Saad ko kaya kumunot ang noo niya

"Akala ko ba ayaw mo kong maging bodyguard? At makasama?" Usal niya kaya napaiwas ako ng tingin

"Bwiset! Edi wag ka ng umuwe! Magsama nalang kayo ng Ace na ya--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang pagbagsak namin sa sahig

*Bang*

*Bang*

Hindi ko magawang kumilos habang nakatitig sa mukha niyang napakalapit sa mukha ko. Nakapatong siya sa ibabaw ko habang lumilinga sa paligid

"Stay here, Kid." Saad niya tsaka tumayo at bago pa ako makapag-salita nakatakbo na siya paalis para habulin 'yung nagtangkang bumaril sa akin

S-she saved me again

"Huminahon lang kayong lahat, Tumawag na kami ng pulis." Sigaw ni Kath.

Napatingin naman ako sa dinaanan ni west.

Abno talaga! Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa malakas na tibok ng puso ko

His Bodyguard Wife (COMPLETED) UNEDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon