Chapter:31
Texana West POV
"Bangon na ki--" naputol ang sasabihin ko ng hindi ko na naman siya naabutan sa kwarto niya.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko tsaka lumabas ng kwarto niya. Isang linggo na ang nakalipas matapos niyang makidnapped at isang linggo niya na rin akong iniiwasan. Siguro tinutupad niya lang yung favor ng girlfriend niya. At Naiinis ako dahil doon
"Maagang umalis si Kalem, Nag-away na naman ba kayong dalawa?" Tanong ni uncle luiz kaya umiling ako
"Nababaliw na naman siguro ang anak mo." Usal ko tsaka dire-diretsong lumabas ng bahay nila.
Ang kutong lupa na 'yun, Makokotongan ko talaga siya pagnakita ko siya.
Kunot noo akong sumakay sa motor ko at mabilis itong pinaandar
"Ayieeehh ang sweet talaga ni Kalem kay Krian."
"Sinabi mo pa, Ang swerte talaga ni Krian sa kanya."
"Sana ako nalang si krian."
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa naririnig kong usapan ng mga ka-schoolmate namin. Tsk ano bang meron?
"Look Ang cute nila dito nung nagpropose si Kalem kay Kria--" mabilis kong hinatak ang cellphone ng isang babae at pinanood ang pinag-uusapan nila
"Matagal na tayong mag-syota krian, and you know how much I love you, are you willing to be my wife?" Nakangiting saad ni kalem habang nakaluhod sa harapan ni krian
"Yes, I'm willing." Para akong nabato sa kinatatayuan ko dahil sa napanood ko.
"Hey! Bakit bigla bigla ka nalang ng aagaw ng phone?" Sigaw ng babae tsaka inagaw pabalik ang cellphone niya
"Let's go Girl, Weirdo." Usal niya tsaka sila umalis.
Napayuko naman ako tsaka ikinuyom ang kamao ko.
He propose with her without my permission? Fuck! Ano namang pake ko? Hindi niya alam na kasal na kami. At isa pa hindi ko rin naman siya mahal. Yeah that's right, I don't Love him so I DON'T CARE if he want to marry her
"Sugi!" Walang emosyon kong nilingon si Nerdy Zack
"What do you want?" Malamig kong saad kaya napalunok siya
"M-magsisimula na kasi yung k-klase, H-hindi ka pa ba papasok?" Utal niyang saad kaya tinalikuran ko siya
"Let's go." Usal ko, agad naman siyang sumunod sa ako
"Kailan ba ang kasal niyo? Para naman makapag-handa ako."
"Oo nga dude, para alam ko kung kailan ako hindi kakain ng marami."
"Gago! PG ka talaga."
"Oy West." tawag sa akin ni Harold ng makarating ako sa classroom namin
Pero imbis na pansinin siya, Si kalem agad ang tiningnan ko.
"Alam mo bang ikakasal na si Kalem Ms.West?" Sabat naman ni Mike
"Yeah Congrats." Walang emosyon kong saad tsaka dire-diretsong naglakad papunta sa upuan ko
.
.
.
.
.Chapter:32
Kalem Valerian POV
"What the hell is the meaning of this kalem? Magpapakasal ka ng hindi man lang sa akin sinasabi?!" Sigaw ni dad tsaka pabagsak na inilapag sa lamesa ang cellphone niya kung saan nagpla-play ang video namin ni krian habang nagpo-propose ako sa kanya
BINABASA MO ANG
His Bodyguard Wife (COMPLETED) UNEDITED
ActionPAALALA: UNEDITED po ito kaya maraming wrong typos and grammars tapos medyo magulo rin ang takbo ng story and some information ay hindi nagtutugma kaya pasens'ya na po. Ito ang UNANG VERSION ng HIS BODYGUARD WIFE. Ginawa ko 'to noon pang 2019 at 14...