Chapter 19&20

883 26 0
                                    

Chapter:19

Kalem Valerian POV

"Kid." Agad kong nilingon si western Union ng tawagin ako nito. Sh*t!

"Who is she babe?" Tanong ni Krian kaya napalunok ako

"P-pinsan ko, di ba insan?" Saad ko kaya kumunot ang noo niya. Tiningnan ko naman siya at binigyan ng 'Sumakay ka nalang' look

"Yeah." Tipid na sagot niya.

"Talaga? Hindi ko alam na may pinsan pala si Kalem, Btw I'm Krian, His Girlfriend and you are?" Nakangiting saad ni krian tsaka inilahad ang kamay niya kay Western Union

Pero imbis tanggapin ay tinitigan lang ito ni west bago siya tumalikod at walang pasabing naglakad paalis.

Ano bang problema nun?

"Sorry sa ginawa niya Babe, Hindi lang talaga siya palakaibigan na tao." Saad ko kaya tumango nalang siya

"Btw she's western union but her nickname is abno." Saad ko

"Abno? What a weird name." Saad niya kaya tumango ako. Hehe

"Btw babe bakit hindi mo sinabi sa akin na pauwe ka pala dito sa pilipinas, edi sana nasundo Kita sa airport." Saad ko

"I want to surprise you babe." Saad niya tsaka ako hinalikan sa labi. Agad namang nag-init ang pisnge ko

"You're blushing babe." Natatawa niyang saad kaya napanguso ako

"Anyway papasok ka din ba dito?" Pag-iiba ko ng usapan

"Yeah, pero bukas na ako papasok." Saad niya kaya napatango nalang ako

"So paano babe, Aalis na ako, Kita nalang tayo bukas." Saad niya

"Gusto mo bang ihatid kita?"

"No need, May klase ka pa." Saad niya at bago siya muling umalis ay hinalikan niya pa muli ako

Ngingiti ngiti akong naglakad papunta sa classroom ko pero napatigil ako ng makita si western union na nakasandal sa pader at nakatingin sa kawalan.

Lalagpasan ko na sana siya pero napatigil ako ng magsalita siya

"Cousin huh?" Walang emosyon niyang saad kaya napalunok ako

"D-dapat nga matuwa ka pa dahil pinsan ang sinabi ko at hindi B-bodyguard eh." Saad ko pero wala man lang nagbago sa reaction niya

"Matuwa? Walang nakakatuwa sa sinabi mo, Natatakot ka bang malaman niya na ang BOYFRIEND NIYA AY Pinoprotektahan ng babae?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya

"Ano bang problema mo ha? Bakit parang big deal sayo ang pagsabi ko ng pinsan kita?" Inis kong turan kaya umalis siya sa pagkakasandal sa pader tsaka lumapit sa akin

"It's not a big deal but f*ck! Bakit nagagalit ako?" Sinabi niya 'yan ng walang kahit na anong emosyon. Hindi ko tuloy alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi

"D@mn it. I hate this f*cking feeling." Saad niya pa tsaka ako tinalikuran at iniwang naguguluhan

Bakit kaya siya nagagalit? Tsk abno talaga

.
.
.
.
.

Chapter:20

Texana West POV

"Pftt are you jealous?"

"Shut that mouth of yours kath, it's not funny." Kunot noo kong usal

Jealous? Tsk. Imposible

"Come on Xana, You're too obvious like duh." Saad niya tsaka ngumisi

"I'm not." Saad ko

"Deny pa more, Bakit ka nagagalit kung hindi nagseselos?"

"Hindi lang maganda ang gising ko kaya mabilis uminit ang ulo ko." Plain kong saad pero isang iling lang ang tinugon niya

"Yeah whatever, Aalis na ako." saad niya kaya tinanguan ko nalang siya.

Kasalukuyan akong nasa likod ng school namin at nakahiga sa damuhan.

"Hoy nerd, ibigay mo sa amin ang pera mo."

"P-pero akin 'to."

"Wala kaming pake, basta amin na 'yan."

"A-ayoko."

D@mn! Inis akong bangon dahil sa mga boses na naririnig ko.

"Hoy! Wag nga kayo dito mag-ingay." Kunot noo kong sigaw sa kanila.

"Sino ka naman ha?" Maangas na tanong sa akin ng mukhang leader nila. Tsk mga bully

"Death is my name wanna know my surname?" Malamig kong saad tsaka ngumisi ng malademonyo. Agad naman silang nagsitakbuhan palayo

"Tsk mga istorbo." Akmang hihiga ulit ako ng may magsalita sa tabi ko.

"Salamat sa pagligtas mo sa akin sa mga bully na 'yun ha." Nakangiting saad nito. Nerd

"Hindi kita niligtas, kaya umalis ka na." Bagot kong saad pero hindi ito kumilos at umupo pa sa tabi ko.

"Hey nerdy boy are you deaf? I said leave me alone." Kunot noo kong saad pero ngumuso lang ito

"Ayaw, ako nga pala si Zack at ikaw si?" Parang bata niyang saad tsaka inilahad ang kamay niya sa harap ko. Pero imbis na kunin ay tiningnan ko lang din 'yun

"I see, Hindi ka mahilig makipag-kaibigan 'no? Di Bali ako nalang ang kakaibigan sayo." Masaya niyang saad tsaka ako hinatak patayo

"What do you think are you doing?"

"Lunch tayo, libre ko." Saad niya tsaka tumakbo habang nakahawak sa kamay ko

D@mn! This nerd....

***

Kalem Valerian POV

"Si West ba 'yun?" Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ni harold at kumunot ang noo ko ng makita si western union na kasama yung bago naming kaklase

"Mukhang close sila ah." Ngising saad ni mike tsaka sa akin tumingin

"Wag mo kong tingnan ng ganyan." Inis kong turan tsaka naunang pumasok sa Cafeteria

"Hoy Western Union." Sigaw ko kaya napatingin ito sa akin

"Ibili mo nga ako ng pagkain."

"May paa at kamay ka." Sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Nakakalimutan mo na ba kung ano mo ako ha? AMO mo ako."

"Sa pagkakaalala ko si Luiz ang nagpapasahod sa akin." Usal niya kaya padabog akong umalis

"Parang timang, tsk."

D@mn you! Abno

His Bodyguard Wife (COMPLETED) UNEDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon