Chapter 39&40

762 19 0
                                    

Chapter:39

Kalem Valerian POV

"May problema ba babe? Kanina ka pa dyan hindi mapakali."

"Yung tatlong lalaki kase sa likuran natin, kanina pa sila sumusunod sa atin." kinakabahan kong saad kaya ngumiti siya

"Ano ka ba naman babe, baka guni guni mo lang yun, tsaka look madami naman tayong kasama dito, kaya hindi tayo mapapahamak ok?" Saad niya kaya tumango nalang ako

Kasalukuyan kasi kaming naglalakad lakad sa plaza, Sabado ngayon kaya wala kaming pasok.

"Bili tayo ng ice cream, babe." Saad niya kaya tumango ako

"S-sure." Sagot ko at nang lingunin ko yung tatlong lalaki, nanlaki ang mata ko ng makitang may hawak na sila na baril.

"Damn! Dapa babe!" Sigaw ko at bago ko pa siya mahila padaba ay natamaan na siya ng bala sa tagiliran. Damn it!

"Aaaaahhhh!!" Sigawan ng mga tao sa plaza dahil sa sobrang takot

Napangiwi ako ng maramdaman ang pagdaplis ng bala sa braso ko.

"B-babe?! Hey babe." Usal ko habang tinatapik ang pisnge ni krian

"Wag kang pipikit ok? D-dadalhin kita sa hospital." Usal ko

Nabuhayan ako ng loob ng makarinig ng tunog ng police car.

"Sibat na tayo mga pare, Mukhang napuruhan naman natin ang Mafia Queen eh." saad ng isa sa tatlong lalaki tsaka sila sumakay sa motor nila at umalis

They think na si krian ang mafia queen? Damn it! It's all their fault!

***

"Lumaban ka babe, kaya mo yan ok?" Mangiyak ngiyak kong saad

Kasalukuyan na kasi kaming nasa hospital

"I'll do b-babe." sagot niya tsaka ngumiti

"Dito ka nalang po sir." saad ng isang nurse bago nila ipasok sa isang silid si krian.

Napasabunot naman ako sa buhok ko tsaka inis na sinapak ang pader

"Damn it! Bakit ba kase ang hina hina ko? Ni hindi ko man lang siya naprotektahan."

"Humanahon ka lang son." Biglang dating ni dad

"Huminahon? Paano ako hihinahon kung dahil sa inyo nadadamay si Krian?!" Galit kong sigaw kaya napabuntong hininga siya

"Hindi namin ginusto 'to Kalem."

"Oo hindi niyo 'to ginusto! Pero Bakit kase hindi niyo nalang sabihin na si West ang mafia Queen at hindi si Krian?!" Muli kong sigaw

"Para ano? Para siya naman ang mapahamak?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya

"Kid." Agad akong napalingon sa taong tumawag sa akin.

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Dahil sayo nagkanda-letche letche ang buhay ko!" Sigaw ko sa kanya pero walang emosyon niya lang akong tiningnan

"Ikaw dapat ang nandito sa hospital at hindi si krian!" Nang mga oras na 'yun wala akong ibang maramdaman kung hindi galit sa kanya

~Continue

Texana West POV

"Simula ngayon AYAW NA KITANG MAKITA, Simula ngayon ako na mismo ang pumuputol sa Ugnayan natin, Simula ngayon Hindi ka na nage-exist sa buhay ko!" Malamig niyang saad bago umalis

Bawat salita niya ay parang kutsilyo na paulit ulit sumasaksak sa puso ko.

Alam ko naman ng darating ang araw na 'to, pero bakit nasasaktan pa din ako? Damn it! Bakit ba kase Kailangan pang magkaroon ng emosyon ng mga tao?

His Bodyguard Wife (COMPLETED) UNEDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon