Chapter:23
Someone POV
"Saan ka galing kuya?"
"Somewhere." Tipid niyang sagot at akmang lalagpasan ako ng muli akong magsalita
"Nagpakita ka sa kanya, tama ba?" Ngisi kong saad kaya nilingon niya ako
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
"Oh come on kuya, Alam kong nagpakita ka kay West."
"How did you know her?" Kunot noo niyang saad kaya mas lalo akong napangisi
"Ofcourse I know her, because killing her is my job." Usal ko kaya mabilis niyang dinakot ang kwelyo ko
"Don't you dare lay your hands on her." Madiin niyang saad
"Alam mong sagabal siya sa magulang natin, Ipagpapalit mo ba kaming pamilya mo dahil lang sa kanya? Papatayin mo ba kami?"
"OO! Kung 'yun lang ang paraan para ma-protektahan ko siya." Malamig niyang turan bago ako marahas na binitawan
Mas Lalo naman akong napangisi tsaka inayos ang nagusot kong damit.
West, sino ka ba talaga? Sino ka ba sa buhay ng kuya ko? Mas lalo tuloy akong nagiging interesado sayo.
***
Kalem Valerian POV
"Nandito na tayo, baka gusto mo ng bumaba." Mabilis akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya tsaka bumaba ng motor niya
"S-saan ka pupunta?" Tanong ko ng muli niyang buhayin ang makina ng motor niya
"Sa bahay." Tipid niyang sagot at bago pa ulit ako makapag-salita ay mabilis na niyang pinaharurot paalis ang motor niya
Napailing naman ako tsaka pumasok sa bahay namin
"Si dad?" Tanong ko sa tauhan niya
"Wala po Master Kalem." Napabuntong hininga nalang ako tsaka dumiretso sa kwarto ko.
Ang boring ng buhay ko
***
Texana West POV
"Where have you been?"
"Sinundo ko si kalem." Sagot ko tsaka umupo sa sofa
"Babe." Kumunot ang noo ko ng makita si Ace
"What are you doing here?"
"Bawal ba akong pumunta dito?" Nguso niyang saad tsaka umupo sa tabi ko.
"Tsk."
"Btw Babe, Si Kalem, Totoo bang asawa mo siya?"
"Yeah." Sagot ko
"Tsk. Ang g@gong yun, Naunahan pa ako." Simangot niyang turan kaya napailing ako
Ano na kayang ginagawa ng lalaking 'yun?
Speaking of him. Bakit kaya siya tumatawag?
"Problema mo?" Usal ko
"Itatanong ko lang kung nakauwe ka na sa inyo." Napangisi ako dahil sa sinabi niya
"Bakit nami-miss mo na ba agad ako? How sweet of you Kid."
"O-ofcourse not!" Mabilis niyang angal
"Matulog ka na, kid."
"Hindi na ako bata."
"Edi Tanda."
"D@mn you, Abno!"
"I love you too, Baliw." saad ko
"E-ewan ko sayo!" Sigaw niya at bago pa ako muling makapag-salita, pinatayan niya na ako ng tawag
Napatingin ako sa screen ng cellphone ko at napailing ako ng makitang nakangiti ako.
weird.
.
.
.
.
.Chapter:24
Kalem Valerian POV
"Si West?" Agad kong tanong ng makalabas ako ng kwarto ko
"Hindi muna papasok si west ngayon, son." Sagot ni dad kaya napabuntong hininga ako tsaka ibinaba ang bag ko
"Hindi ka ba papasok?"
"Tinatamad ako." Sagot ko at akmang babalik sa kwarto ko ng may magsalita
"Tsk. Ganyan ka ba kawalang gana, 'pag wala ako?" Mabilis ko siyang nilingon at nanlaki ang mata ko ng makita si western Union na nakangisi habang nakatingin sa akin
"O-ofcourse not! Mas gusto ko pa nga pag wala ka dito eh." Saad ko tsaka umiwas ng tingin
"Tsk, come on kid, let's go." Saad tsaka naunang lumabas ng bahay.
Nang mapatingin ako kay dad ay nakangisi ito ng nakakaloko kaya mabilis akong tumakbo pasunod kay Western union
"Sino ba yung hinahanap mo kahapon?" Tanong ko sa kanya
"Wala." Tipid niyang sagot pero hindi ako nakumbinsi. Alam kong may hinahanap siya noon.
"Yung lalaki ba yung hinahanap mo?" Seryoso kong saad kaya inihinto niya ang sasakyan tsaka ako walang emosyon na nilingon
"It's none of your business, Kid, So shut your mouth." Malamig niyang saad kaya inis ko siyang tiningnan
"Yeah it's none of my f*cking business!" Inis kong sigaw tsaka padabog na lumabas ng sasakyan niya.
Pero bakit naiinis ako? Kingina! May sakit na 'ata ako.
"Kid!" Sigaw niya at ang huli kong natatandaan ay ang mabilis niyang paghatak sa akin kaya sabay kaming natumba sa semento
"Magpapakamatay ka ba?!" Hindi ko magawang sumagot. Nakatitig lang ako sa mukha niyang galit. Ito ang unang beses na nakita ko ang ibang emosyon niya
"Bullsh*t!" Inis niyang turan tsaka umalis sa ibabaw ko
"Hoy kayong dalawa magpapakamatay ba kayo?" Sigaw ng lalaki na siyang may ari ng sasakyan na muntik ng makasagasa sa akin
"Ikaw gusto mo na bang mamatay?" Malamig na saad ni West kaya agad itong sumakay sa sasakyan niya at mabilis na pinaharurot paalis
"Wala ka bang balak tumayo dyan kid?" Baling niya sa akin kaya agad akong tumayo at akmang aalis ng may inilagay siya sa kamay ko
"A-ano bang ginagawa mo?" Gulat kong saad ng makitang nakaposas ang isa naming kamay
"Para hindi ka na makawala." Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Kailangan ko na bang magpa-check up?
Nagsimula na siyang lumakad kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya
Tahimik lang kaming nasa byahe at hindi ko maiwasang hindi siya sulyapan.
Nakapoker face na naman siya
"Y-yung kanina, S-salamat." Saad ko tsaka umiwas ng tingin
"Tsk." Ismid niya d>_<b bwisít!
BINABASA MO ANG
His Bodyguard Wife (COMPLETED) UNEDITED
ActionPAALALA: UNEDITED po ito kaya maraming wrong typos and grammars tapos medyo magulo rin ang takbo ng story and some information ay hindi nagtutugma kaya pasens'ya na po. Ito ang UNANG VERSION ng HIS BODYGUARD WIFE. Ginawa ko 'to noon pang 2019 at 14...