Chapter:33
Texana West POV
"Mabuti naman at dumating ka." Walang emosyon niyang saad kaya kumunot ang noo ko
"Ano bang pag-uusapan natin?" Usal ko pero imbis na sumagot ay may inabot siya sa aking papel
"What is it?" Taka kong tanong "Annulment paper." Natigilan ako dahil sa sinabi niya
"Para saan naman 'to?" Usal ko "Pwede bang wag kang umarte na parang hindi mo alam kung para saan 'yan?!" Sigaw niya kaya napabuntong hininga ako
"So you already know the truth?"
"Yes! Sinabi na sa akin lahat ni Dad, Na ikaw ang Mafia Queen at ako naman ang Magiging soon to be Mafia King, Alam ko na rin na IKINASAL AKO SAYO, Alam mo bang nagagalit ako sa inyo? Ni isa sa inyo wala man lang nagsabi sa akin ng totoo, Lahat kayo Niloko ako!" Galit niyang sigaw pero malamig ko lang siyang tiningnan
"At alam mo na rin kung bakit namin 'yun ginawa." Saad ko pero sininghalan niya lang ako
"Kayo ang dahilan kung bakit ako nalagay sa kapahamakan kaya hindi ko kailangan magpasalamat na prinotektahan niyo ako."
"Pirmahan mo nayan west para matapos na ang lahat." Dagdag niya pa kaya napatitig ako sa annulment paper na hawak ko
"At sa tingin mo pag-pinirmahan ko 'to, Magiging maayos na ang lahat?"
"Oo, Kaya wag mo ng palalain pa ang Problema West, Pirmahan mo na 'yan ng matapos na ang lahat." Seryoso niyang saad kaya this time ako naman ang tumatawa ng sarkastiko
"Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon ngayon Kid." Usal ko kaya sinamaan niya ako ng tingin
"Ano bang problema mo ha?! Bakit parang ayaw mong mag-divorse tayo? Gusto mo na ba ako? Pwes ako HINDI! Si Krian, siya lang ang mahal ko! Kaya kahit ikaw ang asawa ko, Hindi kita mamahalin." Sigaw niya
"Wala akong pakialam kung hindi mo ako mahalin, Wala rin akong pakialam kung layuan mo ako, Pero hanggat hindi natatapos ang lahat ng ito, Hindi ko puputulin ang ugnayan natin, Hayaan mong protektahan kita hanggang matapos ang lahat ng 'to at pag-nangyari 'yun Hindi mo na kailangan pang kumilos, dahil ako na mismo ang kusang lalayo sayo." Malamig kong saad habang pinupunit ang Annulment paper na binigay niya
"Y-you." Usal niya bago ko siya talikuran
Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagguhit ng mapait na ngiti sa labi ko.
Nararamdaman ko na naman ang emosyon na ayokong maramdaman sa lahat. Takot at Lungkot. Nauulit na naman ang pakiramdam na 'to. At ayoko 'tong magpatuloy.
Just let me protect you Kalem and after this, You won't see me again
SOMEONE POV
"So ikaw pala ang Mafia Queen huh?" Ngisi kong saad habang pinapanood sila
"Texan West Acosta, Ang babaeng Dahilan kung bakit Hindi ako magawang mahalin ni Rain, Ang saya lang makita na nag-aaway kayong dalawa ni Kalem at dahil dyan, mas madali kong magagawa lahat ng plano ko."
Maghintay ka lang Texana, Dahil Darating ang araw na magkakaharap din tayo, at pagnangyari 'yun sisiguraduhin kong Matatalo kita.
Sa ngayon Dudurugin ko muna ang puso mo. Gamit ang lalaking minamahal mo
***
Kalem Valerian POV
Nakatulala lang ako sa kisame habang inaalala yung nangyari kanina.
Bakit ba ganito ang nararamdaman? Bakit parang Nagsisisi ako sa mga sinabi ko? Pero wala naman na akong magagawa, Nasabi ko na 'yun sa kanya at isa pa, Wala naman akong ginawang masama sinabi ko lang ang totoo. At tsaka panigurado namang hindi siya nasaktan sa mga sinabi ko dahil mukhang wala naman siyang nararamdaman
"Gising ka pa ba, Son?" Malamig kong tiningnan si dad na nakasilip sa pintuan ng kwarto ko
"What do you want?"
"Alam kong galit na galit ka sa amin, Pero sana wag ka namang magalit kay West, anak. Kagaya mo hindi niya rin naman ginusto ang lahat ng 'to, Ako at Si East ang nagplano ng lahat ng ito." Saad niya
"I don't care, Bakit ba pinagtatanggol niyo ang babaeng 'yun?!" Inis kong sigaw
"Dahil si West, siya kase yung tipo ng tao na hindi mo makikitaan ng kahinaan, Ang akala mo wala siyang Pakiramdam pero ang totoo kagaya lang din natin siya Kalem, Nasasaktan." Saad niya at tsaka ngumiti ng malungkot.
Napaiwas naman ako ng tingin kasabay ng pagkaramdam ko ng guilt.
"Naaalala ko pa nung namatay ang nanay niya, Awang awa ako sa batang 'yun dahil halos ayaw niyang umalis sa tabi ng kabaon ng nanay niya, Dahil sa nangyari sa nanay niya Lumaki siyang kinamumuhian ang sarili niya at sinisisi sa pagkamatay ng nanay niya." Dagdag pa ni dad
"B-bakit ba namatay ang nanay niya?"
"I'm not in the position to tell you the story son, pero malalaman mo rin yun."
I'm sorry west
.
.
.
.
.Chapter:34
Texana West POV
"Mali-late ka na hindi ka ba papasok?" Tanong ni Dad kaya tamad ko siyang binalingan ng tingin
"Tinatamad ako." Tipid kong sagot kaya napabuntong hininga siya tsaka sa akin lumapit
"Naaalala mo pa ba nung unang beses kang tinamad pumasok?" Usal niya
"Yeah, Pinilit ako ni mom na pumasok at Binasa niya pa ako para mapilitan akong tumayo sa kama ko." Walang emosyon kong saad kaya napangiti siya ng mapait
"Right, At Dahil sa ginawa niya Napilitan kang bumangon at pumasok, Kung gagawin ko ba 'yun sayo ngayon papasok ka?" Usal niya kaya umiling ako tsaka tumitig sa kisame
"Hindi na ako bata dad, Hindi rin sa lahat ng simpleng pagkilos mo mapipilit mo ang isang tao." Usal ko tsaka tumingin sa kanya
"Pagtapos ng lahat ng 'to dad, pwede na ba akong sumunod kay mommy? Pwede na rin ba akong magpahinga?" Usal ko kaya umiling siya
"Pagnatapos na ang lahat ng 'to, Hindi na kita hahayaan pang magdusa, West, Nawala na sa akin ang mommy mo kaya hindi ko hahayaang mawala ka rin." Usal niya
"At Isa pa Magiging masaya ka rin, West, Not now but i know soon." Ngumiti siya tsaka hinalikan ang noo ko
Sana nga dad. Sana dumating ang araw na 'yun
**
Kalem Valerian POV
"Kanina ka pa dyan tahimik babe, ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni krian kaya nabalik ako sa realidad
"Y-yeah." Usal ko tsaka huminga ng malalim
Napatingin ako sa bakanteng upuan ni Western Union. Kamusta na kaya siya? Tatlong araw na siyang hindi pumapasok, Pero ano namang pake ko?
Dapat matuwa ako dahil hindi ko na siya nakikita pero bakit parang kabaliktaran nun ang nararamdaman ko? Nagu-guilty ba ako dahil sa mga nasabi ko sa kanya? Siguro nga oo, pero wala na rin namang silbi kung maguilty pa ako dahil tapos na, nasabi ko na.
"Kailan ba tayo ikakasal, Babe?"
"I-i don't know, Maybe Next week?" Usal ko kaya ngumuso siya
"Is there something wrong babe? Bakit parang nag-aalangan ka? Hindi mo na ba ako mahal?"
"Ofcourse not, Mahal na mahal kita babe you know that right?" Usal ko tsaka siya hinalikan sa noo
"Matutuloy ang kasal natin, ano mang mangyari." Usal ko tsaka ngumiti
No matter what happened, Sigurado na ako dito, I will marry her 'cause I Love Her.
"I love you babe."
"I Love you too Bab--"
"Sugi!" Sigaw ni nerd kaya agad akong napalingon sa tinawag niya
It's W-west
Napalunok ako ng magtama ang mata namin, Wala akong makita na kahit na anong emosyon sa mga mata niya
"Mabuti at nakapasok ka na Ms.Mendez." Saad ni ma'am
"I'm here to drop out."
W-west
BINABASA MO ANG
His Bodyguard Wife (COMPLETED) UNEDITED
AksiPAALALA: UNEDITED po ito kaya maraming wrong typos and grammars tapos medyo magulo rin ang takbo ng story and some information ay hindi nagtutugma kaya pasens'ya na po. Ito ang UNANG VERSION ng HIS BODYGUARD WIFE. Ginawa ko 'to noon pang 2019 at 14...