Chapter 15&16

924 33 0
                                    

Chapter:15

Kalem Valerian POV

"Ayos ka lang dre?" Tanong nila mike kaya tumango ako

"Master Kalem, pinapasundo na po kayo ni Master Luiz." Biglang dating ng mga tauhan ni dad

"What? Hindi pa bumabalik si west." Inis kong turan

"Wag kang mag-alala kay west kalem, Tumawag siya sa akin at sinabing ok lang daw siya, Umuwe ka na daw." Saad naman ni kath

"Tsk, Sinong nagsabing n-nag-aalala ako sa kanya?" Saad ko tsaka padabog na naglakad paalis

"Pftt masyado kang halata dre." Saad ng nung dalawa kaya sinamaan ko sila ng tingin

***

"Ayos ka lang ba son?" Agad na bungad ni dad kaya tumango ako

"Si west nandito na ba siya?" Tanong ko tsaka luminga linga sa paligid

"Wala pa, Sabi niya hindi daw muna siya pupunta dito." Sagot niya kaya kumunot ang noo ko

"Bakit daw?"

"Ewan, wala naman siyang sinabi na dahilan." Kibit balikat niyang sagot

"May sinabi ka bang masama kay West, Anak?" Natigilan ako dahil sa sinabi nito

"W-wala 'no." Saad ko tsaka umiwas ng tingin

"Are you sure? Come on son, I know you." Saad niya tsaka ako inakbayan

"N-nasabihan ko siyang walang kwentang tao, at Siguro hindi siya gusto ng nanay niya kaya ayaw niyang umalis dito sa ati--"

"Hindi mo dapat sinabi sa kanya 'yan son, West mother is already dead." Para akong nabingi dahil sa narinig ko

"Y-you're just kidding right?" Usal ko

"No, I'm not." Sagot niya kaya napahawak ako sa mukha ko.

D@mn it!

"What happened to her mom?" Tanong ko

"Wala ako sa posisyon para sagutin ang tanong mo son, si west lang ang makakasagot niyan." Saad ni dad tsaka tinapik ang balikat ko

"You should apologize to her." Dagdag pa nito

"Gaano niyo ba kakilala si west, dad? May alam ba kayo na hindi ko alam?" Seryoso kong tanong

"Ofcourse none, Magpahinga ka na, i know you're tired." Usal niya tsaka umalis kaya napabuntong hininga nalang ako

**

Texana West POV

"Dahan dahan." Kunot noo kong saad kay Spade na tinatanggal ang balang tumama sa tagiliran ko

"Tapos na." Saad niya tsaka tumayo

"Aalis na ako, mag-ingat ka naman sa susunod." Saad niya kaya tumango nalang ako

He's Spade my Cousin

"How are you?"

"I'm fine." Simple kong sagot kay dad

"May nakuha ka bang impormasyon sa lalaking nagbalak na naman patayin si Kalem?"

"Wala, Pero sa tingin ko, iisang tao lang ang nasa likod ng mga ito." Saad ko

"Iisang tao lang? How did you say so?"

"Yung unang sniper na nagtangkang patayin si Kalem ay may tattoo na scorpion sa batok ganon rin ang lalaking nagtangkang pumatay sa kanya ngayon." Saad ko

.
.
.
.
.

Chapter:16

Kalem Valerian POV

Tamad akong nakatingin sa labas ng sasakyan.

Dalawang araw na ang lumipas simula ng huli kaming nagkita ni western Union at hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik sa bahay

"Nandito na po tayo master Kalem." Agad na akong bumaba ng sasakyan at dire-diretsong naglakad papasok ng university

"Dre!" Sigaw nila Mike habang palapit sa akin

"Ano?"

"Narinig mo ba yung bali-balitang pinatay sila bon?" Natigilan ako dahil sa sinabi nila

"A-ano?"

"Nung huli kayong nag-away dre, hindi na ulit sila nakita nun tapos ngayon may nag-iwan nalang ng katawan nila sa harap mismo ng bahay nila." Saad ni Harold kaya kinilabutan ako

"Sino namang p-papatay sa kanila?" Utal kong tanong

"Ewan, Pero sa tingin ko bagay lang 'yun sa kanila, Masyado kasing mayayabang eh." Saad nila kaya hindi na ako umimik

"Kamusta nga pala si Ms.West dude?"

"Hindi ko alam." Sagot ko tsaka huminga ng malalim

"Tara na sa room, Balita ko may bago tayong kaklase eh." Saad ni Mike

"Good Morning Class, Before we start you have a new classmate." Agad na bungad ng teacher namin at napanganga ako ng makita kung sino ang kasama niya

"W-west?" Gulat kong saad pero bagot niya lang akong tiningnan

"Ok class this is West Mendez, Be good to her."

"Can I sit now?" Tamad na saad ni west

"A-ah sure, Doon ka nalang umupo sa tabi ni Mr.Kalem." saad ni ma'am kaya dumiretso sa tabi ko si West na walang imik

"Bakit hindi ka pumunta sa bahay?" Tanong ko habang nakatingin sa harapan pero hindi siya sumagot

"Yung mga n-nasabi ko sayo, S-sorry." Usal ko tsaka tumingin sa kanya pero napasinghal nalang ako ng makitang natutulog ito. Bwisít!

Hindi na ako hihingi ng sorry sa'yo!

"Hoy gumising ka nga!" Sigaw ko tsaka niyugyog ang balikat niya.

"Tsk, Shut up will you?" Usal niya tsaka ako tiningnan

"Problema mo?" Kunot noo niyang tanong

"L-lunch na 'ata." Inis kong saad tsaka siya tinalikuran. Siya na nga ang ginigising nagyayabang pa.

"Hintayin mo ko." Sigaw niya at nagulat ako ng akbayan niya ako

"A-ano ba?" Namumula kong sigaw tsaka siya bahagyang itinulak

"Pst. Alam ko namang na-miss mo ako, Pabebe ka pa dyan." Saad niya kaya napasinghal ako

"Asa ka!"

"Nah, don't deny it baby, Dahil simula ngayon hindi na kita iiwan." Ngisi niyang saad kaya napaiwas ako ng tingin

Ano bang nakain ng babaeng 'to?

"Come on baby, I'm hungry." Sigaw niya kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Baby your ass!"

"Yeah whatever kid." Usal niya at napasinghap ako ng halikan niya ako sa pisnge

Sh*t

His Bodyguard Wife (COMPLETED) UNEDITED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon