Talk

1K 26 1
                                    

Hindi agad kami nakaalis sa Spain kasi hindi ganung kadali mag ayos ng papeles.


"Babe, mag stay kaya muna tayo dito ng 1week pa para makagala pa tayo. QT ba." I suggested to Mika.


"Hmm..pwede din. Makabawi naman ako sa inyo ni Baby Kiel." She answered. Ito na naman naiisip niya. Ayokong isipin niya yung mga ganitong bagay eh.


"Yan ka na naman babe.. Ako dapat bumawi sayo kasi hindi mo naman gagawin yun if it wasn't my fault eh. So dont think na ikaw may kasalanan at ikaw yung kelangang bumawi ha. No babe. Never." I said then gave her a peck on her lips.


"Quota ka na kiefer!!!" She laughed.


"Quota na, gusto mo din naman dba?" At ayun! Na hard spike ako. Hahahaha.


Bigla namang umiyak si Baby Kiel...


"B, umiiyak na si baby kiel. Baka gusto mong patayuin ako at kunin para tumahan." She said. Nakayapos kasi ako sa kanya. Namiss ko to eh. hehe


"Osige, i'll wait for you to be back." I responded then give her a huge grin.


"Tigilan moko Ravena!" She said habang naglalakad palayo.


"ehe! ravena ka na din just so you know." I replied.


"Sorry, ang alam ko kasi nung pumunta ako dito REYES na ulit apelydo ko." She said teasingly.


"Ah ganun ha. Pwes mamaya maghanda ka!!!"


"Maghanda ka mukha mo! Hahahahaha.."


Namiss ko lang yung ganito eh. Parehas kaming bully. Parehas ayaw magpatalo. Ang dami ko ding naisip nung humiwalay at umalis si Mika samin eh. Napatunayan kong Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Yes, hindi ko siya kasama nung nabuhay ako, since birth,pero kapag mahal mo na yung tao, wala eh. Speechless. It'll leave you dumbfounded. Na hindi ka na makikinig sa sinasabi ng iba. Ganun kapag mahal mo diba? Yung halos sarili, isip at puso na lang pinapakinggan mo. And, nagkakasundo yung 3. Walang naiiba. Lahat si Mika ang sinasabi. Ganun ko siya kamahal. Mahal na mahal.


Sa totoo lang, ayoko ng maulit yung nangyari. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Kaya kami lumipat sa America ay para makalimutan ang nangyari sa Pilipinas. Pero ganito naman ang nangyari. I'm glad na hindi hinayaan ng FATE mawalang bahala ang pagmamahalan namin. Minsan naiisip ko, pano kung yung tadhana na ang mapagod samin? Sa nangyayaring ito samin, pano kung yun na mismo ang sumuko? Paano kung gawan nila ng paraan para magkalayo talaga kami ni Mika? Ayokong isipin yung mga ganitong pangyayari pero hindi ko mapigilan. Ngayon, gusto kong ikulong si Mika sa mga yakap ko. Dahil nasa akin ang takot na baka bukas, sa makalawa, wala na ulit siya sa akin. Paano kung ang lahat ng ito ay isang panaginip lamang muli para magising ako sa katotohanan. Pero anong katotohanan naman yun? Na hanggang panaginip na lang ang lahat samin ni Mika? Na never nang mapupunta sa reality? Hindi. Ayoko. Ayoko na.


AYOKO NG MAGKAMALI KAY MIKA. Hindi Ko makakaya.


Swear It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon