68

92 7 7
                                    

After watching the movie, I was really bound to meet my friends in the soccer field because there's an on-going match between the seniors. Kahit na hindi naman ako masyadong interesado doon ay pumayag na rin ako. Not to be a party pooper but it's just not my thing. I mean, okay lang naman sa akin na manood din noon. Iyon nga lang, I can't keep up with big crowds. I would feel anxious and end up finding my way out to calm myself for a little while. Kagaya na lang ng nangyari kanina sa gymnasium. It was a strange feeling inside me. Inisip ko na lang na siguro ay hindi rin talaga ako sanay sa ganoong uri ng pakikihalubilo.

"Where are you going?" I asked Jiro when he's about to walk the other way. Kanina lang ay napag-usapan namin ang soccer match kaya akala ko ay doon rin ang punta niya kagaya ko.

"Uh.. broadcasting room?" Medyo nag-aalangan niyang sagot.

"I thought you're gonna watch the match? Laban ng seniors 'yon, 'di ba?" Paliwanag ko. I noticed him smiling awkwardly as he slowly scratched his neck.

"Kasi..." He sounded like he's not even considering it in the first place. "Baka patapos na rin 'yon. And I still need to do stuff for the club. Baka may mga kailangan pang ayusin, eh." Sabi pa niya at bahagyang natawa.

"Patapos na nga kaya manood ka na rin. Ako nga, hindi naman ako masyadong interesado doon, eh. I'm just going to watch because my friends told me so." I tried to sound as nice as possible as a token of appreciation because he treated me earlier for a movie.

Saglit siyang nag-isip doon at may tiningnan sa kanyang cellphone. Mayamaya ay napailing siya habang nangingiti. "Sige na nga. Actually, I can just watch its live online. Pero dahil malakas ka sa akin.." Natatawa pa niyang dugtong.

Bago kami dumiretso sa field ay dumaan muna kami sa isang booth para bumili ng milktea. He even insisted on treating me again but I strongly refused. Masyado na siyang nagiging considerate sa akin at nahihiya na rin ako doon.

Nang makarating kami sa field ay hindi ko inasahan ang dami ng tao. Pupunta sana si Jiro sa mga kaklase niya pero gaya ko ay nahirapan siyang hanapin sila sa dagat ng mga tao. Marami rin kasing on-going activities ngayon pero siyempre, mas lamang pa rin ang sumusubaybay sa mga laro lalo na't seniors pa ang players doon.

I checked my phone to see my friends' messages. Ang sabi nila ay nakikita na raw nila ako ngayon at nagpatuloy pa sila sa pagi-instruct sa akin kung saan sila naka-puwesto. Anila'y sa bandang itaas daw ng bleachers kaya naman ay doon ko itinuon ang paningin ko. But still, I couldn't see them.

"Ano ba naman 'yan? Can you please move quickly? Alam niyong may mga nanonood dito, eh. Nakaharang kayo diyan." One of the girls in the crowd complained. Medyo nagulat ako nang marinig iyon lalo na't sinang-ayunan pa siya ng ibang katabi.

I think, because of the pressure, Jiro just decided to take the vacant seats not too far from them. Sumunod na lang rin ako sa kanya dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko mahanap ang mga kaibigan ko at nakakahiya namang tumayo doon dahil nakakaabala naman ako sa mga nanonood ng game.

"Galit agad ang mga 'yon.." Natatawang bulong sa akin ni Jiro.

We had no choice but to watch the game in our unexpected seats. Hindi na namin nagawang hanapin pa ang mga kaibigan namin dahil nga sa dami ng tao. At first, they keep on texting me if I can look for them for the last time but eventually, they gave up. Siguro ay dahil nasa kalagitnaan na rin ng game at lahat ay nakatutok na doon.

I keep seeing Jay's name flashing on my lockscreen because of his messages. I read from a preview that he knows where I am now and he's watching me. Kahit nakatutok na ang lahat sa game ay panay pa rin ang pagse-send niya ng text sa akin na para bang hindi na siya interesado sa pinapanood. He keeps on nagging me, telling me things he's not supposed to say because it means nothing. Hindi ko na lang siya ni-replyan dahil kahit gustuhin ko naman na makalipat ng mauupuan ay wala na akong magawa. I got stucked so I have to be here 'til the game ends.

Collide / [Park Jay]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon