1

6.2K 70 13
                                    

Sebastian's POV 

First day of school, and as usual, the same routine happens. Nothing new, makikita ko na naman ang mga mokong.

Hay! Kapag hindi kami nagkikita, namimiss ko sila kahit papaano pero ngayon naman na halos araw-araw ulit kaming magkikita... nauumay na agad ako.

Ang gulo 'no? Parang buhay ko lang. Chos, kemi lang bhie.

Kidding aside. Kasalukuyan akong naglalakad sa room na namin dati pa, nasa hagdanan pa lamang ako pero naririnig ko na ang ingay nila.

Hindi nagbabago ang mga assigned room dito sa COD short for College of Decelis dahil kakaonti lang naman ang mga sections, since private ito at tanging mga may kaya at nakakataas lang sa lipunan ang may kakayahang makapasok o 'di kaya naman ay mga matatalino- no, sobrang matatalino pala. 

Hindi ko nga rin alam paano ako naipasok dito nila ate at kuya, eh ang bobo ko naman, hindi rin kami gaanong kayaman.

Sila lang ang nagtataguyod sa akin, pero siguro perks narin dahil nagtuturo sila pareho dito.

Anyways back to the ganap now.

I took a deep breath before opening the door, s'yempre kailangan ko magready dahil baka mamaya ay may lumilipad na naman na dustpan pagpasok ko dahil ayaw na naman maglinis nila Ares.

At... tama nga ako.

Napangiwi ako sa sakit ng maramdaman ang malakas na salpok ng flying dustpan sa mukha ko.

Umagang-umaga ay pinapakulo nila ang dugo ko.

"Boom sapul! Yari ka Azi!" Umalingawngaw na natatawang pananakot ni Liam kay Azrael.

Sunod-sunod naman na nagtawanan ang iba, halatang alam nilang hindi natatakot si Azi sa akin kaya kahit ata tipak ng bato ang ibato sakin eh wala silang pake.

"Hala! Okay ka lang Seb? Sinabi kasi na tumigil na sa kakaganyan para naman kayong hindi grade 12! " Well, maliban kay Vien.

Our class president–previously class president nung grade 11 kami.

Sana lang ay magstay ngayon ang mga previous officers dahil hassle kung mag bobotohan ulit eh wala naman nagbago sa amin.

"Sheeshhh! Ayan kasi ginagalit niyo president natin ha." Natatawang pang aasar ni Ares.

"Guys, stop na. Ang sabi lang ni sir ay maglinis. Now we're done cleaning so please ibalik niyo na 'yang mga walis sa lalagyanan." Paalala ni Eli, na pinagpapasalamat ko namang agad nilang sinunod.

Kinapa ko ang noo ko upang pakiramdaman kung may bukol ba, pero wala kaya swerte si Azi ngayon.

Lumapit si Azi sakin habang tumatawa kaya tinitingnan ko siya ng masama.

Pero wala, hindi talaga alam ng loko ang salitang 'makuha ka sa tingin'.

"Sorry Seb, 'di sadya ikaw ba naman kasi pumasok ng walang pasabi eh." Napapikit nalang ako sa pagpipigil. Kasalanan ko pa talaga ngayon ha?

"First day ngayon Azi, ayoko manapak." Saad ko sabay umupo sa unahan.

Malakas na humagalpak ng tawa si Azi at tumabi sa akin kaya kaagad 'kong inusod ang upuan.

"Sorry na nga beh, nagagalit ka na naman." Jusko po, bakit niyo ba ako binigyan ng ganitong kaibigan!?

"Mga beh, alas siyete palang ng umaga ha? Baka naman pwedeng mamaya na kayo mag-away jan. Nakakaistorbo kayo sa tulog ko." Reklamo ni Theo sa likod.

Oo si theodore na laging tulog, kung hindi tulog, sobrang daldal naman. 

Sasagot sana ako nang biglang pumasok si kuya, ay mali— Si sir pala.
Hindi nga pala kami magkapatid dito.

KODIGOWhere stories live. Discover now