9

333 8 7
                                    

Seb's POV

Tahimik at kabado kaming naglalakad papuntang guidance office. Kaming dalawa lang ni Kael. 'yung pinapunta dahil natakasan kami nung ugok. Pag nakita ko talaga ulit 'yon, tangina ilolock ko 'yon sa banyo magdamag.

Ramdam ko ang kaba ng lalaking katabi ko dahil kanina pa siya hindi naimik. Mas kinakabahan lalo tuloy ako. Siguro sanay lang ako na sina Azi 'yung kasama ko. maguidance lagi at parang wala na lang samin 'to kaya ngayon nalang ulit ako kinabahan ng ganito.

Sana hindi ako paglinisin ng cr. Kahit 'yun nalang po Lord please, magpapakabait na ulit ako ng ilang buwan.

Panigurado, narinig na 'to ni Kuya Sevi at Ate Sab kaya mamaya pag uwi sa bahay ay patay na naman ako.

Pagkarating namin ng guidance office, hindi nga ako nagkakamali. Nandoon agad si Ate Sab, nakahalukipkip at matalim ang mga titig sakin na akala mo eh pinapana na ako ng ilang beses.

"Care to explain?" Walang lag aatubiling tanong ni Dean. Tumingin ako sa katabi na wala yatang balak kumibo kaya tumikhim ako bago sumagot.

"Binabastos ho kasi kami eh, wala naman ginagawa section namin pati itong si Kael." Bumuntong hininga si Dean at umiling-iling.

"We all know na fresh pa ang issue ni Kael. You should've done better Kael, think better. Ayaw mo na bang bumalik sa pagiging Section A?" Tanong ni Dean. Kael shook his head in fear kaya kumunot ang noo ko.

Bakit ba gustong-gusto niya ron? After hearing those words from her former classmates gugustuhin niya pa rin doon?

"I'm sorr-" I cutted him off.

"He's not sorry, Dean. They deserve that. Sila dapat ang pinapatawag po ninyo, hindi ba bullying free ang school na 'to? That's what they are doing. Verbal bullying, binigyan lang namin sila ng deserve nila." Matapang na sagot ko.

"Opo, sige mali na namin na ginamitan namin ng pisikal pero hindi naman nila alam kung gaano katagal nagiistay 'yung mga masasakit na salita na binabato nila sa tao."  Dean stared at us, nakapangalumbaba ito habang tumatango tango.

"You have a point." Ramdam ko ang tingin sakin ni Kael na hindi ko alam kung nagpapasalamat ba siya o sinusumpa niya na ako.

"Instead of suspending you two both. I will let you clean the two libraries in your building as a punishment for one month."

Wow! Ang galing. Hindi nga sa cr maglilinis, sa library naman.

"We'll take that! Basta po please, favor... Don't let my mom hear this." Kael begged.

"Grabe hindi man lang tinanong opinyon ko " bulong ko. Dean sighed at him and nodded.

Now, i'm curious. What makes him so afraid?

Matapos namin sa guidance, hindi man lang ako nakarinig ni isang thank you sa kaniya. Hindi naman sa nag eexpect ako pero bakit hindi ako mageexpect eh naging mabuti akong tao for an hour?

"Totoo ba 'yon?" Tanong ko to break the silence between us. Hindi ko na kinakaya katahimikan niya, parang mamatay ako. Joke, si OA naman.

"What?" Masungit nitong sagot at umirap.

"Sayo ung kodigo?"

"Do you believe them?" Umiling ako at nanahimik

"Bakit hindi ka naniniwala sa kanila?"

"Ayoko lang, trip ko eh. Bakit ba?" Pilosopo kong sagot. He rolled my eyes at me and walked faster.

Hindi ako naniniwala dahil alam kong hindi 'yon sa'yo. I planted that Kodigo to someone's bag and it might be coincidentally yours.




KODIGOWhere stories live. Discover now