13

516 9 0
                                        

Seb's pov

"Sana naman tayo-tayo lang rin magkakateam." Bulong ni Theo. "Baka by ano 'yan height?" sagot naman ni Mark.

Tahimik kong pinagmamasdan ang Delta habang nakaupo sa bleachers. Hindi kami sa gymnasium pinaglaro but instead sa may field kung saan naglalaro 'yung soccer club para naman daw maexpose kami sa init at hindi puro indoor lang. Nagrereklamo nga sila kasi ano pa daw ba silbi ng gymnasium kung hindi naman gagamitin. Hindi naman kami soccer player at barbeque para painitin diba? 

Ewan ko ba sa mga teacher dito, parang mas malakas pa tama kesa sa mga students eh. 

I was stealing glances where Kael is kasi parang kanina pa siya wala sa mood. Nakahalukipkip ito habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay niya. Hindi naman sa concerned ako, hindi ko pa kasi naibibigay 'yung RRL tsaka SOP na ginawa ko kasi nahihiya ako na baka mali. Ipapa double check ko pa siya kay Azi at Tim. 

"Okay, class! line up na. " Sir Matubol commanded matapos niyang ayusin ang mga bola na gagamitin namin. 

We started gathering on the middle of the field and pinabunot lang kami ng mga papel sa loob ng isang kahon. "Team one ka? " agad na tanong ni Azi pagka alis ko sa pila, nagkibit-balikat ako at saka tiningnan 'yung papel. "Magkateam tayo Seb! " Theo and Liam rejoiced and then quickly encircled their arms around me.

"Gago ang duga naman, ako lang nahiwalay . Reshuffle niyo 'yan please." reklamo ni Azi, habang nakanguso ito kaya tinawanan nalang namin siya dahil wala naman kaming magagawa.

"Gather with your team. " utos samin ni Sir. May tatlong kasing team, one two and three tapos nasa team two ako. Sir explained the rules and objectives tapos pati 'yung scoring and kung sino una naming makakalaban. 

Team 2 and 3 muna 'yung ipaglalaban then, one na tapos kung sino makakatalo ng dalawang grupo then siya 'yung panalo. Azi, Ash, Caleb, Mark, Dylan 'yung team one and then two is ako, Theo, Ares, Liam and Vien tapos sa three naman is si Gab, Tim, Kael, Ayden and Ash.

"Sir excuse lang po" Anas ni Azi.

Nagtinginan kaming lahat sa kaniya ng magtaas siya ng kamay. "Pwede po ba kami mag catfe ni Dylan? " Paalam niya, natigil naman sa pagchecheck ng records si sir at nagtaas kilay sa kaniya.

"Bakit? anong gagawin niyo? " Tanong niya bago muling nagpatuloy uli sa pagchecheck ng records.

"Makikipagdate raw sir!" Liam teased.

Pasimple itong pinakyuhan ni Azi. Buti nalang nainintindihan ni sir 'yun kasi catfe tawag namin sa cafeteria dahil masiyadong mahaba.

"Bibili lang po tubig, hindi po kasi kami nakadala eh " paalam nito, nagkatinginan kaming tatlo nila Liam at mahinang tumawa dahil sa hindi niya pagpatol. Tumango si sir sa kanila kaya nagtanguan sila sa isa't-isa at saka sabay na umalis.

"Sus, galawan mo Azi ha. Anyways, bilhan mo rin ako Mogu-mogu tsaka loaded, 'yung cheese ha." utos ko pagdaan nila sa pwesto namin. "Tago mo sa bulsa mo nalang o kaya tago mo sa likod, pwesto namin bag namin sa unahan. shoot mo nalang " dagdag ko. 

"Azi ako din, bayaran kita mamaya " utos ni Theo.

Kumunot ang noo ni Azi pero sa huli ay tumango rin. "Ikaw liam? wala ka ipapabili?" tanong ni Dylan.

Azi rolled his eyes, "huwag na 'yan, epal naman 'yan."  Dy laughed.

"Ulol, hindi naman ikaw nagtanong sakin. Ano Dy, tubig lang tsaka biscuit, or kahit ano nalang." sagot niya dahil busy sa pagtatali ng sintas niya. Tumango naman ang lalaki. 

KODIGOWhere stories live. Discover now