Sebastian's POV
Since 30 minutes lang ang breaktime namin ay kaagad narin kaming nagkayayaan bumaba.
Wala na rin halos tao sa hallway dahil alam ko na late na kami dahil sa kabagalan kumain ni Theo na aakalain mo na pagong kung kumilos.
"Huy, kita niyo 'yon?" Napatingin kaming lahat sa direksyon na itinuturo ni Liam.
Mula sa labas ng kwarto namin ay kitang-kita namin ang tatlong lalaki na may dala-dalang mga libro at tila ba naghehesitate pa na kumatok dahil nagtutulakan pa sila.
"Siguro nagmumura na sila sa mga isip nila noh? Gagi kung ako 'yung nasa posisyon nila mas pipiliin ko nalang mag drop out kesa pumasok sa section na lahat eh ayaw sakin una palang." Saad ni Azi dahilan para mapangisi kami.
"Ganun talaga, palakasan at pakapalan nalang ng loob at mukha 'yan. Hindi naman sila makakapag drop out na for sure dahil ang iniisip niyan eh 'yung points and grades nila." Sagot naman ni Theo.
Habang papalapit-lapit kami ng papalapit, mas lalo kong nakikita ang mga mukha nila na parang nagpipigil ng tae.
Sa sobrang kaba na nga yata ay hindi nila kami napansin na naglalakad patungo sa kanila.
Huli na ang lahat bago pa man ako makapag react nang biglang humarap si Kael sa amin at aksidenteng natabig ang turon na kinakain ko.
"Oh my god, ew!"
"What the fuck? Bakit kasi hindi ka tumitingin sa daan mo?" Reklamo ko.
Siya na nga itong nakatabig, siya pa 'tong nagiinarte.
Tumingin ito sa'kin ng masama bago pinunasan ang sapatos niya na naglaglagan ng turon ko.
"Excuse me? Bakit kasi dito ka dadaan?" Masungit nitong sagot dahilan para mas lalong kumunot ang noo ko.
"Dahil dito room namin? Eh ikaw? Bakit kasi nakaharang ka jan? Takot ka pumasok?"
"Why would I be scared?"
"Ewan ko, Delta lang naman kasi papasukan mo diba. 'Yung section na may ayaw at malaki ang galit sa'yo kaya bakit ka nga ba matatakot pumasok?"
Rerebat pa sana ito nang biglang magbukas ang pinto.
"What are you guys doing here? Naririnig namin kayo sa loob. And Mr. Fuentes, kanina pa kayo late ha? Talagang inuna niyo pa ang pakikipag away? Jusko naman kayo talaga. Get inside. Now." Umiiling ang ulo ni Sir sa amin kaya napasinghap nalang ako bago maunang pumasok sa loob.
Tahimik akong naupo sa aking pwesto kasunod ang tatlo.
Kinausap muna ni sir ang tatlo sa labas ng room bago ito muling pumasok.
"So class, just like what I announced earlier. Your new classmates are already here. Let's welcome them." utos nito sa amin, sumenyas pa ito sa tatlo na halata ang kaba sa mga mukha.
Azi let out a chuckle kaya agad ko itong siniko dahil tumingin ng masama si Sir sa amin bago ito pumapalakpak.
Our whole section hesitated at first pero nang mas nilakasan ni Sir ang palakpak niya at pinanlakihan kami ng mata ay kaagad kaming pumapalpak.
"Please, introduce yourselves."
The guy with round glasses on Kael's left side was Shin Gabriel Castellejo habang ang nasa right side naman niya ay ang mukhang gangster na si Cypher Dylan Fernandez.
As far as I know, si Dylan ang pambato ng university dahil isa siyang basketball player. While the two? They're more focused on academics.
Don't ask me why I know, sadyang nasasagap ko lang kahit hindi ko naman gusto.
And isa pa, laman lagi sila ng balita around campus. Sometimes good, most of the time bad lalo na kung galing sa amin o kasama kami.
"Uhm... Hello? I'm Shin Gabriel Castellejo." Tipid nitong sambit.
It seems like sa kanilang tatlo, siya lang ang may 0.1 chance na makasundo namin kahit papaano.
Or... ewan, innocent faces are always the dangerous ones ika nga nila.
"I know you already know me- know us but okay. I'm Cypher Dylan Fernandez. And I don't hope to get along with you." Dylan said with both of his hands on his back.
"Ohhh! Same, we don't either!" Bulyaw ni Azi.
Dylan just stared at him blankly that made Azi's mouth shut and that made me wowed.
How come biglang mapapatahimik niya si Azi dahil lang don?
I scoffed when Kael stepped forward.
The way he looks at us is too confident and it annoys me so much.
Pilit niyang itinitago ang takot na nararamdaman niya, na parang hinahamon pa kami.
"Mikael Lucas Nireva. Your soon to be president." That's where we bursted out laughing.
Nahagip ko pa ang biglang pagkawala ng confidence niya dahil doon pero kaagad din itong binawi.
"Patawa ka naman beh, pakilala nga lang daw hindi naman sinabi na mag bida-bida ka." Saad ni Liam sa likod ko dahilan para samaan kami ng tingin ni Sir at nung tatlo sa harapan.
I noticed the pain and embarrassment that he tried to hide quickly, nang magtama ang mga mata namin.
I scanned him head to toe.
He's not even moving a lot unlike si Gab na ginagalaw ang pants niya, si Dylan na parang hindi makatayo ng maayos sa pwesto.
He's just still, looking at us; studying us even like we're some sort of his research thing he needs to assess.
And once again, our eyes met.
At sa pagkakataong ito, hindi siya umiwas ng tingin.
Gayundin ako.
We both stared at each other with so much hate in our eyes.
I wonder how many secrets he hide behind those eyes. Para expert na siya sa pagpapanggap sa mga bagay-bagay.
"Huy Seb! baka matunaw naman 'yang crushiecakes mo." Tinabig pa ni Azi ang braso ko dahilan para inis akong lumingon sa kaniya.
"Hindi ba talaga kayo titigil sa crushiecakes na iyan? Ilulublob ko na kayo sa bowl eh."
Malakas na tumawa ang tatlo kaya napatingin na naman sila sa amin.
Ewan ko ba, sa ingay ba naman namin lagi eh sanay na kami sa attention.
Sorry #attention seeker lang.
"May sarili ba kayong topic diyan? Baka gusto niyong ishare sa amin, para hindi naman kami naleleft out dito ano? Eto oh, dito kayo magdaldalan sa harapan. Gusto niyo?" Kaagad kaming umiling kay Sir habang pinipigilan ang tawa.
"So to repeat dahil hindi nakikinig ang apat diyan. Since this is a new term, we will be having a debate and class election tomorrow for the officers. At sana maasahan ko kayo bumoto sa mga responsableng tao na alam niyong kayang gampanan ang tungkulin nila. Hindi tulad na last year, ay kung sino pa ang hindi officer, siya pa ang mas gumaganap bilang officer niyo ha? Hindi ito katuwaan lang. "
"Yes sir, noted po." We all replied in unison.
Sinundan ko nang tingin ang tatlo nang pinaupo sila sa likod.
"Oh siya, bukas na rin pala tayo mag seating arrangement. Maiingay kayo pag nagkakatabi ang magkakagrupo." Doon lang kami sabay-sabay na dumaing.
Ang arte naman. Hindi naman ikababawas ng grades namin na mababa na kung magkakatabi kami.
Maghahanap parin naman 'yan ng paraan para makatabi isa't isa kaya hindi ko talaga magegets ang function ng seating arrangement.
YOU ARE READING
KODIGO
Teen FictionLife are full of surprises. Your enemies could either turn into your worst, or be the reason of your best. Unexpected friendships are the best. But could it stay longer despite of the hardships that they will receive? Mikael and Seb are known as...