15

488 8 2
                                        

Seb's pov

Tinapon ko muna sa basurahan 'yung balat ng candy na binili ko sa catfe kanina bago ko kunin 'yung mop ulit. Papasok na sana ako sa loob pero may narinig akong parang kumakanta kaya bigla akong nanlamig at kinabahan. I shake my head and gather up my courage to go inside the bathroom sana pero hindi talaga ako makapasok dahil sa takot.

"'di pa ba sapat ang sakit at lahat?
na hinding hindi ko ipapararanas sa'yo
ibinibunyag ka ng iyong mga mata
Sumisigaw ng pagsinta..."

Kumunot ang noo ko ng may marinig akong kumakanta sa loob ng banyo kaya lakas-loob akong pumasok.

"Ba't 'di papatulan ang pagsuyong nagkulang?
Tayong umaasang hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa 'yo "

Umawang ang labi ko ng makita ko siyang naglilinis ng banyo at sumasabay sa kanta habang nakikinig sa music mula sa airpods niya. I was stunned hindi ko alam kung iistorbohin ko ba siya o hindi.

" Sa'n nga ba patungo?
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo "

I let out a soft chuckle dahil para siyang inlove sa kinakanta niya. I leaned on the wall and watched him sing with feelings pa ata 'yan kasi halatang sobrang dalang-dala siya sa kanta.

"Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin?
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?
'Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa 'yo..." 

He stopped and then put the mop back onto it's spinner , saka lang niya ako napansin kaya nanlaki bigla ang mga mata nito sa gulat.

"Kanina ka pa diyan!? " He exclaimed "Huh? hindi ah, kakarating ko lang actually" pagsisinungaling ko, his eyebrows furrowed at umirap na naman.

"Sure ka? wala kang narinig diba?"

"Oo, don't worry wala akong narinig na kahit ano. Galing kasi akong catfe eh." Pagsisinungaling ko.  "Samahan mo na ako sa library, tapos naman na 'yung dalawa. " Utos niya at nauna nang lumabas. Tumawa muna ako bago ko kunin 'yung mga mop na inihagis niya nalang at sumunod sa kaniya. 

Habang paakyat kami sa library ay hindi mawala ang ngisi ko sa labi. Ang cute naman pala ng boses niya, bakit ginagatekeep? 

Kael glanced at me, and his eyebrows immediately crossed kaya kaagad kong binura ang ngiti ko sa labi. Baka akalain pa nito, nasasapian ako. Right after we entered the library, humiwalay agad sa akin si Kael kaya napabuntong-hininga nalang ako at nagsimulang magayos ng mga lamesa. 

I could feel my heartbeat racing fast when I heard a thud na parang may nahulog coming out of the student's council's room pero sigurado ako na wala nang tao ng ganitong oras dahil umalis na rin maski ang librarian.  Shit, what if multo 'yon? sabi pa naman nila, may gumagala raw sa ganitong oras. Sa kaba ko ay hindi ko na napigilan ang sarili na ichat si Kael. 


Kael's POV

Inis akong nagpunta sa unahan para puntahan si Seb. Nakita ko siyang nakaupo sa may cabinet ng mga libro, hindi pa man fully fixed 'yung mga libro. Ewan ko ba kung ano ginawa niya parang wala naman siyang nalinis.

"What? " He quickly stood up and removed my airpods. I was about to complain when he suddenly put his index finger on my lips, preventing me to talk kaya kumunot ang noo ko sa kaniya.  "Listen.. " He whispered. Tinulak ko siya sa pandidiri dahil sobrang lapit niya sakin. Naghintay kami ng ilang minuto pero wala naman kaming naririnig maliban sa paghinga naming dalawa at tunog ng aircon.

KODIGOWhere stories live. Discover now