C-6

8 0 0
                                    

Pasado alas siyete na ng makauwi kami. Hindi pa din mawala-mawala sa isipan ko ang sinabi niya kanina doon sa dalampasigan.

I still can feel my heart beating loud right now,kung paano ako kapusin ng hininga kanina dahil sa tinuran niya.

"Roman," Tawag ko rito habang nakatalikod siya sa akin. Kakatapos lang niyang ilagay sa garahe ang motor niya habang hawak niya naman ang dalawang helmet sa isang kamay.

I was about to ask what is the meaning of what he had said pero tinablan ako ng hiya. Hindi ba parang ang assuming ko naman din kung iisipin kong ako ang pinapatamaan niya? I mean who knows if he was just bored earlier.

Tsaka bakit ba? Porque iginala niya ako ngayon ay magiging mabait na ako sa kanya? Siya pa din naman ang dahilan kung bakit nawala ang kalayaan kong lumabas ng mag-isa!

"Hmm?" He hummed. Inaayos niya pa ang buhok niyang naging magulo dahil sa helmet.

"Thank you for today" Iyon na lamang ang sinabi ko sa kanya. Isang tango lang ang iginawad niya sa akin bago ko siya iwanan doon. When I got inside,I saw Manang Miding in the kitchen cooking something delicious,amoy palang kase niyon ay natatakam na ako.

"Manang,ipaghanda mo na ako. Baba ako mamaya para kumain." I shouted from the door in my room.

Pagod kong ibinagsak ang katawan sa kama. This day is to tiring yet full of enjoy. Pakiramdam ko ay lahat talaga ng dumi sa kalsada ay nasagap ko. My whole body is kinda itchy,specially my arms and neck. I sighed before scrubbing my skin,sobrang kati niyon at tuwing kikiskisin ko ay parang nag-aapoy ito sa init.

I decided to take a bath. Nang makapasok sa loob ng banyo ay naghubad na ako,tanging bra at underwear lang ang suot ko. I then dip myself inside the bathtub.

Ilang minuto din akong namalagi roon at dahil siguro sa pagod ko buong araw ay nakaidlip ako. A peaceful nap to be exact. Kung hindi pa dahil sa malakas na katok ay hindi ako magigising.

I yawned before getting out from the bathtub. My body feels so heavy and my head is spinning for no reason. Kung hindi pa ako nakahawak sa sink ay paniguradong natumba na ako sa mismong tiles. Mabilis kong inabot ang tuwalya na nakasabit sa hanger.

I can feel my whole body shivering from the cold. Ang sakit ng tiyan ko,sinabayan pa ng sakit ng ulo ko. I wrapped the towel around my body,the knocking continues but right now,its more louder.

"Stanley?" Mas lalo lang lumakas ang pagkatok,mabuti nalang at nagawa ko pang mabuksan ang pintuan ng maayos. When I opened the door,Roman's face welcomed me.

Hindi ko alam kung namamaliknata lang ako pero pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata niya. I can feel my body became more heavier,parang anumang oras ay matutumba ako.

"Hey,are you okay?" He asked me. I did not mind him,I'm itching to lay in my bed.

The dizziness made my sight more blurry. Before I could even make it,I lost control. Napapikit na lamang ako at hinanda ang sarili sa pagsalampak sa sahig but a big hand and arms scopped me before I could even fall.

Before I  lost my consciousness,I heard him cursed.

"Ano bang ginawa niya buong araw?" A familiar voice make me wake up. Ninamnam ko muna ang sakit ng likod at ulo ko. I am feeling not better right now!

Kasalanan talaga 'to ni Roman and that stupid challenge he made!

"Umm.. namasyal lang kami and then we watched the sunset around 4pm and then we headed home." Roman's serious voice made my body shiver. Pakiramdam ko ay tumayo lahat ng balahibo ko doon lalo na nang maramdaman ko ang palad niyang idinapo sa noo ko.

Embracing Her FlawsWhere stories live. Discover now