That night,we ended up hugging each other tightly. Saksi ang buwan sa pagyakap niya sa akin.
Kinaumagahan ay nauna na akong lumabas sa kaniya. Tahimik pa ang bahay nang lumabas ako and this is actually what I planned. Baka kase kapag natanghalian ako ay may makakita na galing ako sa kwarto ni Roman. That's not good
"Kinatok kita kanina sa kwarto mo hindi ka sumasagot. Masyado ka bang napagod sa pagsa-shopping natin kahapon?" Iyon ang bungad ni mommy sa akin nang maupo kami sa hapag kainan.
Napalingon ako sa gawi ni Roman dahil noon. Nakita ko ang pagpipigil niya ng ngiti kaya naman ay tumikhim ako.
"Tulog pa po siguro ako," I told her. Tumango siya ng bahagya bago pinagsilbihan si Daddy. Tahimik lamang ito sa gilid at bahagyang may binabasa sa kulay dilaw na papel.
Pinagmasdan ko kung paano nilagyan ni mommy ng kape si Daddy ngunit nabaling naman ang atensyon ko kay Roman na ngayon ay iminumwestra na ang kamay senyales na aalis siya sa harapan namin.
I nodded ngunit bago pa man siya makaalis ay nagsalita si Mommy.
"Why don't you join us Roman? Hindi ka na din naman iba sa amin." Nagulat man ay hindi ko iyon ipinahalata. Sinipat ko ang reaksiyon ni Daddy ngunit nang makitang nakangiti niyang tinanguan si Roman ay napasinghap ako ng mahina.
Tiningnan ko si Mommy at nang makitang naroon sa mata niya ang pang-aasar ay nag-init ang pisngi ko. She's doing it on purpose! Damn it!
Balak naman sanang umupo ni Roman sa tabi ni Daddy ngunit nang magsalita si Mommy ay naudlot siya sa gagawing pag-upo.
"Doon ka sa harapan ni Stanley,Roman. Baka kase hindi ako makapagpokus sa pagseserve sa asawa ko dahil nasa kagwapuhan mo ang atensyon ko," Pabiro lang iyon ngunit umani iyon ng suway ni Daddy.
Naiiling ko namang pinagmasdan ang pag-upo ni Roman sa harapan ko. Now I don't know what to do when my heart now is getting wild. Samantalang sa kabilang banda naman ay nakangiti ang asungot sa harapan ko.
We ate silently. Paminsan-minsan ay nakikita ko ang pasimpleng pagsulyap niya sa akin ngunit iniiwasan ko yun lalo na't pakiramdam ko ay nasa amin ang atensyon ng mga katulong.
"Ma'am,pwede po ba akong mag-day off. Plano ko po kaseng bumisita sa probinsya namin,kung pwede lang naman." Ani nito habang inaayos ang pinagkainan niya. Bahagya namang tumango si Mommy dahil dito.
Si Daddy naman ay walang imik sa gilid,senyales na hindi siya tutol. Bahagya siyang napangiti pero dahil pabida ang nanay ko ay may idinagdag na naman siyang kinasinghap ko.
"Wala namang ginagawa 'tong si Stanley daddy,bakit hindi natim siya pasamahin kay Roman? Total may aasikasuhin naman din tayo at baka gumala lang tong si Stan." I knew it was her idea in the first place pero nagulat pa din ako!
Hindi ba siya takot na baka may gawin si Roman na hindi maganda? Syempre lalaki yun at babae ako!
Seryoso ang mukha ni Daddy habang sumisipsip ng kape. "Sila lang dalawa?" Striktong ani nito. Nangi-ngiti namang hinaplos ni Mommy si Daddy.
"Hindi po. May kapatid po akong lalaki na nasa tiyahin ko at kapag nandoon ako ay sa akin na muna siya mamamalagi." He explained. Tumango naman si Daddy sa sinabi niya.
"A'right. Just make sure to handle her attitude well." Bilin nito. "Kung dito yan ay baka gumawa na naman yan ng kabulastugan,she's reckless as ever." Napairap ako sa isipan ko. Papayag na nga,may idadagdag pa.
Nang tingnan ko si Mommy ay kinindatan niya ako,mas lalo tuloy akong nagharumintado. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa kilig at bago pa nila iyon makita ay nagpaalam na akong pumanhik sa taas.
YOU ARE READING
Embracing Her Flaws
RomanceZackarious Roman Andrade meet the great Stanley Xandria Emperi when she's just 14 thus he did not make a move. He felt attracted to that cute little girl since then but he set it aside not until 4 years after,the father of Stanley was finding a body...