Nagising ako ng marinig ang pagbukas noong cabinet sa may paanan ko. Sa presensya palang ay alam kong si Roman na iyon.
"Magbibihis pa lang ako at hinihintay ko pang magising si Stanley." Narinig kong pagkausap niya sa may cellphone niya.
"Oo,ito yung binabantayan ko." Muling rinig kong pagkausap nito. "Siguro mga bandang alas nuebe na kami makakarating diyan." Dagdag niya pa bago isinara ang cabinet.
Gising na ang diwa ko ngunit hindi ko magawang dumilat dahil narito siya sa kwarto. Mas lalo ko lang pinikit ang mga mata nang maramdaman ang mga yapak niya sa direksiyon ng kama.
I,then,feel his hand caressed my cheek. Nangilabot pa ako ng kaunti sa ginawa ngunit mas nanindig ang balahibo ko noong ginawaran niya ng magaang halik ang labi ko.
Hindi ko tuloy maiwasang idilat ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.
He chuckled a bit before fixing the hair in my face. "Gotchu," Para pang natutuwang huli nito sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi pa ako nakakapag-toothbrush! I did not even wash my face tapos nanghahalik ka na," Kunyari pa'y reklamo ko rito ngunit tawa lang ang ginawad niya.
Hindi ko tuloy maiwasang maconcious sa itsura ko ngayon. I'm sure sobrang kalat na ng buhok ko ngayon at nakakahiya yun!
"Sasama ka ba sakin para sunduin ang kapatid ko?" Pagkuwa'y tanong niya sa akin kaya tumango ako.
It's actually useless if I won't go with him. Wala naman akong magawa dito,bukod sa iilan lang ang bahay sa paligid ay hindi ko din sila kilala. Wala pang pwedeng mapaglibangan kaya no choice din.
Nagpaalam siya sa akin na maliligo na siya samantalang ako ay naghilamos lang. Siguro mamaya pagkauwi nalang namin ako maliligo.
I wore my simpliest outfit. Ang kulay itim na leggings ang pinili ko na tenernohan ko naman ng kulay puting t-shirt at flat sandal.
Nang makalabas ako galing sa kwarto ay nadatnan ko siyang inaayos ang suot niyang puting shirt. Bahagya nalang din akong napanguso ng mapansing ang pangbaba niya ay isang short. Mas lalo lang tuloy nadepina ang binti niya.
We get out from the house with our fingers being intertwined. Simple lang din ang suot niya,isang maong short na tenernohan ng white shirt.
Buong byahe ay nakapokus lang ako sa daanan na tinatahik namin. It took us 20 minutes before we arrived at our destination.
Pumarada ang kotse namin sa tapat ng bahay na gawa din sa kahoy. Napansin ko ang iilang mga halamang naka-hang sa may bubong at ang maliit na sari-sari store roon sa mismong bahay.
Narinig ko ang pagkalas ng seatbelt ni Roman at nang hawakan niya ang kamay ko ay napalingon ako.
"Sasama ka ba papasok?" He sweetly whispered on me. Napanguso ako,hindi alam ang isasagot pero sa huli'y nagpaiwan nalang ako sa loob ng kotse.
Isang tango ang iniwan niya bago lumabas sa kotse. My eyes was fixed in his broad back while he was busy knocking on the fence.
Ilang minuto lang din ay lumabas ang isang babae na halos kasing edad lang ni Roman. I saw how her eyes widened in fraction when she saw Roman. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkukumahog niyang pagtakbo sa direksiyon ng lalaki at pagkuway ikinunyapit ang mga braso sa leeg nito.
Kagaya ng reaksiyon niya ay ako naman ngayon ang nanlaki ang mata. My jaw dropped when I saw how she kissed Roman's lips at wala man lang makikitang pagtutol sa galaw ng lalaki bagkus ay narinig ko pa ang pagtawa niya.
Iniwas ko ang tingin sa kanila pilit pinapakalma ang sistema ko.
Is that his....girlfriend?
Binalik ko ang tingin sa kanila ngunit wala na sila roon. Mas lalo lang tuloy akong kinain ng hindi makilalang emosyon. I repeatedly inhale and exhale to control my emotion and thankfully it was effective.
YOU ARE READING
Embracing Her Flaws
RomanceZackarious Roman Andrade meet the great Stanley Xandria Emperi when she's just 14 thus he did not make a move. He felt attracted to that cute little girl since then but he set it aside not until 4 years after,the father of Stanley was finding a body...