C-9

3 0 0
                                    

"Ang sabi ni Manang ay narinig niya daw kayo ni Roman na nagsasagutan sa hagdan. Is there something wrong?" Mahinahong tanong sa akin ni Mommy nang maabutan niya akong nakabusangot ang mukhang kumakain ng mangga sa mesa.

Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Nandito pa rin sa akin ang kinikimkim na kaunting galit sa kanya dahil sa huli naming pag-uusap.

"Is there something wrong?" Muli'y ani nito sa akin at kumuha ng kutsilyo upang tulungan akong magbalat ng mangga.

Matagal ko siyang tinitigan. I am not dumb not to think that mommy is making a move now. Na parang bumabawi siya sa pagkukulang niya sa akin bilang anak niya.

"Buti wala kang work ngayon." Hindi ko napigilang sabihin iyon.

She smiled sweetly to me. The first smile I witnessed that is pure and genuine. Hindi ko maiwasang maramdaman ang kakaibang init sa puso ko.

"I canceled all my apointments today. Wanna go on shopping?" Bagaman nagulat ay hindi ko iyon pinakita.

I don't want her to see my vulnerable side. Not even once. Tumango ako ng bahagya sa sinabi niya,agreeing on her ideas.

"Really?! Ang sabi ni Roman ay may lakad daw kayo ngayon,is that true?" Nangunot ang noo ko sa sinabi ni mommy. Pilit kong inaalala kung may nasabi ba akong lakad sa kanya ngunit wala. Ang huling lakad ko dapat ay ang pagbisita kay Noah ngunit naalintana iyon dahil sa kanya.

"I don't remember anything." I told her. Nakita ko ang pagbuhos niya ng patis sa maliit na sauce plate nang matapos niyang balatan ang mangga.

"Oh! He told me earlier but nevermind. Where should we go?SM?"  Wala na din naman akong nagawa kundi ang tumango.

Lulan ng kulay puting kotse ay nilisan namin ang bahay at dumiretso sa pinakamalapit na mall. At the first,we just dine-in in a fancy restaurant and after that we go shopping.

"Which one is better anak? The blue or pink one?" Napalingon ako kay Mommy dahil sa tanong niya. Bahagya pa akong napatitig sa mukha niya,I have all the details about her. From his lashes to his lips,ang tanging nakuha ko lang kay daddy ay ang hubog ng mukha.

Mommy is holding a blue knitted top and on her other hand is a pink padded tube top. Hindi ko naman maiwasang maramdaman ang sayang nasa puso ko. I feel like we're having a mother-daughter date!

Tinuro ko ang kulay blue na knitted top. Kumpara kase sa pink ay mas matingkad at maganda ang kulay nito. I can already imagine how gorgeous that top would be when paired with her white skin.

"Talaga?Bakit mas bagay sa akin ang pink?" She stated. Napaismid ako.

"Ma,what's the point of asking my opinion when in the first place you like that pink top?" I snorted. Nakita ko ang mahinang pagtawa niya bago lumapit sa akin.

"Okay,I'll choose the blue one love." Hindi ko maiwasang mapangiti nang ibalik niya ang pink na top.

That was our routine. Opinyon ko ang hihingin niya sa mga gusto niyang bilhin samantalang sa akin ako ang magdedesisiyon. After that before we go home,nag-take out muna kami sa jollibee.

Habang nasa daan ay sumaglit sa isip ko si Roman. Bahagya na naman tuloy akong naguilty sa sinabi ko kanina.

He's right. Masyado nang magaspang ang ugali ko at kahit kapakanan ko na ang inuuna ay nagpupumilit pa rin akong lumapit sa disgrasya. Ano naman kung wala pang sapat na ebidensya na si Noah nga?The fact that some evidences are leading to him,pwede siyang maging suspect.

"Bakit ka pa nagtake-out niyan,sobrang dami na nitong akin." Napalingon ako kay Mommy. Siguro ay napansin niya din ang pananahimik ko.

"May pagbibigyan lang," I told her. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya,animo'y kinikilig.

Embracing Her FlawsWhere stories live. Discover now