"Sabi nga nila, isang magandang biyaya kapag naisilang ng maayos at malusog ang isang munting sanggol. Ngunit paano kung halimbawa, nagkaroon ito ng matinding mga pinagdaanan bago ang isang munting anghel na biyaya ay magkaroon ng hindi kapani-paniwala na karanasan?, Bago ko ituloy ang kwentong ito, ako ay muna ay magpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Love Cofflina Liasen at isa rin ba kayo sa mga katulad ko sa umiinom ng kape. Antayin nyo lang at ilalantad ko ang lahat ng mga iba't-ibang pangyayari sa aking buhay."
"Mabalik nga tayo sa nasimulan ko kanina lamang, oo, ganoon ang naranasan ko. Hindi naging madali ang pinagdaanan ko kahit nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking ina. Ang ama ko pala ay isang hindi mabuting halimbawa para sa akin. Ang nagawa ng ina ko ay ipagtabuyan ito kaya naging matindi ang pagkilos ko sa loob. Ito ay naging dahilan ko upang maiparamdam ko na kahit buhay ako, may hindi naman ako naririnig ng sadyang hindi kanais-nais. Ang hindi ko lang alam noon, may mangyayari pala na gagawin ng aking ina. Sya ay nadala ng matinding stress dahil sa ginawa ng aking ama. Ito ang naging dahilan ng ina ko para maginom ng kape araw-araw upang maalala nya na kailangan nyang magising sa katotohanan na kailanman ay hindi na sya muling iibig kung sa huli ay masasaktan din sya. Katulad kapag hinawakan ang basong may laman ng mainit na tubig na kasama na ang pulbos ng kape para ito ang maging dahilan upang masaktan ka dahil sa pagkapaso. Kapag malamig naman, ayaw na nya ibalik lahat ng kalungkutan dahil nagdudulot lang ito para isarado na nya ang kanyang nanlamig na puso pagdating sa pag-ibig. Kapag eksakto naman ang temperatura ng tubig, maalala lang nito na hindi lahat ng bagay dito sa mundo, maiisip mo na lang na hindi marunong tumimpla pagdating sa iyong paligid."
Pasensya kung humugot ako doon nohhh, pero hay, ganoon talaga ehh, hindi mo pa alam noon kung ano ba talaga ang tunay na nangyari hanggang ito ay hindi naikukuwento sa iyo. Sabi nga nila, mas maganda na malaman mo sa iyong mismong magulang kaysa sa mga chismoso at chismosa o ang mga tinatawag na mga nagsasagap ng mga iba't-ibang klase ng chika. Akalain nyo ba, kahit anong baliktad mo dito sa mundo, ang chika ay chika pa din. Grabe nga naman talaga dito sa mundo, hindi mo na lang alam, pagpapiyestahan ka na lang ng mga salitang hindi mo aasahan na lalabas sa kanilang mga bibig."
"Kaya naman nung naipanganak na ako o ang tinatawag na iniluwal na, napansin nila na kakulay ko ang itsura ng natimplang kape. Ito ang naging dahilan ni ina para ipangalan ako bilang si Love Cofflina Liasen. Marahil ay nagtataka na kayo kung bakit ganyan ang naging pangalan ko, yun ay sapagkat napansin nila na kahit kanino ako magpabuhat sa mga manggamot, dinala ko ang pagmamahal dahil sa labis na kasiyahan ko. Kaya dahil sa kakulay ko ang isang kape, ang pangalan na 'Lina' ay ibig sabihin ng liwanag ng pagmamahal dahil sa isang ngiti ko nung sanggol ako ang magiging susi para makalimutan o matakasan pansamantala ang mga problema sa mundo. Lahat sa bayan ay naging masaya dahil nakaligtas ako."
"Pero grabe, ang saya lang sa pakiramdam dahil hindi ko naramdaman yung matinding kalungkutan sa mga magulang ko nung araw na yun. Lahat ng nasa paligid ko, ang gaan lang sa pakiramdam. Kapag nakangiti daw ako, mas nagiging masaya ang lahat dahil naiisip na nakakakita sa akin ay gusto akong pangigilan. Ngayon ko lang talaga nalaman na ganoon ako minamahal ng lahat. Paano pa kaya kung simula nung pagkabata ko, lahat talaga simula nung ipinanganak na ako, natatandaan ko. Hanggang mas napansin ko na natatawa yung mga magulang ko sa akin habang ikinukuwento sa akin, yun pala ay dahil para mas maging masaya ako ay nagpapatutog sila ng musika na mapapakembot ako. Pinanood pa nga sa akin kung paano pa kumembot sa sariling higaan. Kaya daw pati ang musika ang instrumento para makatulog ako."
"Nagigising na lang ako kapag may kailangan daw ako. Asikaso ako dahil hindi nila alam kung ano magagawa ko; kung ito ba ay iiyak o papatawanin ako. Magigising ko nga lahat dahil sa simpleng iyak ay mapapataranta sila kung ang kailangan ko ay pagkain o nakadumi na ako sa lampin. Kapag kakagising ko lang at may nakabantay sa akin, tahimik lang talaga ako o magpapakita ng masayang mukha. Nangingiyak lang ako kapag daw may ibang tao na hindi pa pinapakilala sa akin. Kaya madalas, hindi ako nagpapabuhat sa mga kakakilala ko pa lang na nagiging rason para umiyak ako. Nakakatulog lang daw sila kapag nakatulog na ako. Tinatawanan ko nga ehh kasi ba naman pinupuyat ko lahat sila sa tuwing tatawa ako, nakatitig sila sa akin at ang malala kapag naiiyak ako tapos hindi nila alam ang dahilan."
"Habang inikwento ang mga pangyayaring ito, doon ko na lang naisip na sana lahat ng mga sanggol ay nakakapagsalita para hindi na kailangan umiyak sa tuwing nagugutom o may masamang pakiramdam. Pero mas napagtanto ko na isa ako sa mga sanggol na hindi masyadong umiiyak dahil sa ipinaranas nilang pagmamahal sa akin. Kahit papaano, ngayon na ang mukha ko ay masaya dahil sariwa pa sa kanilang isip at puso ang mga magaganda pati ang mga bagay na nagiging dahilan para umiyak ako. Ang totoo ko nang nararamdaman ngayon ay lungkot dahil nung unang beses na umiiyak ako ay nung nawala ang totoong nanay ko nang dahil sa pagkapanganak sa akin. Palihim ko na gustong umiyak nito kasi hindi ako makapaniwala sa mga nangyari sa akin nung sanggol ako. Akala ko, mabibigay ko na emosyon para sa lahat ay saya dahil lahat tayo ay may karapatan na maging masaya sa mga tao na nagmamahal sa atin. Ganoon man ang nangyari sa akin, may mga taong hindi ako hahayaan umiyak o magmukmok sa isang gilid. Kung maabutan man, tatakbo sila para damayan ako. Kapag sa tuwing may saya, maglalaan sila ng oras para makasama ako sa mga nagawa."
BINABASA MO ANG
XOXO, Coffee
FantasyLove Cofflina Liasen is known in the world as the best coffee maker and coffee critic because she loves anything that is relate to coffee." Just like a cup of coffee, she is full of determination and willingness to make a coffee for each person who...