Chapter 2: My Childhood

2 0 0
                                    

"Hindi ko talaga lubos na maisip na ang ina ko ang mismong gagawa ng paraan para maging maligaya ako kahit na nung mga panahon na yun, nararamdaman ko na may kulang sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang kaisang-isang bagay na yun. Ang alam ko lang, madali akong pasiyahin ngunit mahirap ako patahanin sa kakaiyak. Kahit ako, nagtataka din kung bakit ganoon ako. Ganoon pa man, pinagtiyagan naman ako na pakainin, alagaan at mahalin kaya pinipilit ko na lang na hindi umiyak. Mas maganda na din para alam ko na may paninindigan ako balang araw."


"Kung usapan tungkol sa aking pagkabata, dahil nasa murang gulang at kaya hindi pa ako masyadong nakakaintindi, mas pinipili ko na magkaroon ng mga kalaro tuwing lumalabas ng aming tahanan. Alam ko naman na babae ako kaya tuwing may nakakasalamuha ako na kapwa kaedaran ko, iniingatan ko ang aking sarili. Mahirap na lalo ngayon sa panahon na pinagdadaanan ng lahat. Tunay nga na ang buhay, hindi mo alam kung ano ang nagaantay na kapalaran sa iyo ng tadhana. Hindi natin alam kung papaano magiging takbo ng sariling kwento ng buhay. Sa bagay, lahat naman ng mangyayari sa iyo ay hindi madidiktihan, kailangan lang maging maingat sa bawat hakbang na iyong tatakahin."


"Tungkol sa pagiging babae, akala nyo lang, madali maging babae. Dyan kayo nagkakamali. Hindi maiiwasan na nagiging biktima kami ng karahasan dahil ang mga lalaki nga naman sa mundong ito, naakit sa amin. Minsan nga, kung hindi naakit, kami ang pinagnanakawan. Kasalanan ba naming na magdala kami ng mga madaming bagay tapos mahalaga ng lahat ng dadalhin namin. Pagpasensyahan nyo na ako, napapaisip lang talaga ako sa mga ganitong bagay, masama lang talaga ang timpla ko sa mga ganoong klase ng lalaki na hindi marunong magpahalaga sa bawat kababaihan sa mundo. Lahat ay laging maging marespeto."


"Aaminin ko, madami akong mga laruan. Ipinapahiramn ko ito sa aking mga kalaro. Ngunit, hindi mo naman aasahan, aksidente itong masisiraan. Siguro, naituro na din sa akin ito na dapat matuto akong ipahiram pansamantala ang meron ako upang maging masaya din ang sinuman na papahiraman ko. Medyo dismayado nga lang ako kapag hindi ito iniingatan lalo na kung may malaking halaga ito sa akin. Doon ko naisip na kailangang matuto sa mangyayari."


"Hindi naman ako laki sa layaw. Sadyang masaya lang ako dahil ako ay ginagabayan ng aking mga magulang sa mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko. Kaya hindi naging mahirap para sa akin ang mga pinagdaanan ko nung bata ako. Sa totoo lang, lahat ng nasa paligid ko nung bata pa ako, puno ng kasiyahan dahil sa mga iba't-ibang klaseng pyestahan na nagaganap sa aming lugar. Masarap nga na ibahagi ko sa inyo ngayon ang mga bagay na naalala ko sa pagkabata dahil kahit kailan at kahit saang lugar ako mapadpad sa aming bayan, lahat ng tao ay masarap makipaghalobilo at kahit sino naman sa aming bayan, ni isa ay walang naging inggit sa kung ano ang meron ang iba."


"Ngunit, sa hindi inaasahan na pagkakataon ng aking buhay, may naging trahedya sa amin. Ito ay ang aking ama na nagsisimula na pala magkaroon ng sakit. Lahat ng nasa bayan ay nasaksihan ang kanyang pagkawala ng kanyang malay. Siguro dahil dala ito ng sunod-sunod na mga kasiyahan. Kaya nung nalaman ito ng aking ina, pinayuhan ang aking ama na mas alagaan lalo ang kanyang sarili para na din sa kanyang kalusugan, sinunod naman ito. Nasaktan lang ang aking ina dahil napagtanto nito na hindi lahat ng oras sa mundo ay palaging may kaligayahan na kailangan pa na maging magarbo."


"Wala tayong magagawa sa kung ano mga mangyayari sa ating kapalaran habang tayo ay nasa mundo na kailangang makipagsapalaran para lang makamit ang ginhawa. Sayang nga lang, hindi ko pa maintindihan ang mga ganong klaseng bagay na tanging maiintindihan mo lang kapag nasa murang edad. Nasaktan din ako nung ipinapaliwanag sa akin ito. Nabigla ako dahil alam ko naman nung mga panahon na iyon, alagang alaga ng ama ko ang kanyang sarili. Nung una nga, napuno ako ng pagtataka at kalituhan dahil sa kanya. Kahit bata pa ako, pinipilit nila na maipaitindi sa akin ang mga salita na madali ko lang din maunawaan. Naging mabigat ang loob ko dahil hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko nung sinasambit na nila sa akin yun. Napapaisip sila sa akin kung ako ay makakaranas ng matinding pagkabigla."


"Ganoon pa man, pinili nila na dapat ay hindi ko maranasan na maging mahirap ang aking pagkabata para kahit papaano, may mga babaunin pa din ako na mga magagandang alaala upang ito ang magsilbing inspirasyon ko para abutin ang mga pangarap. Bahala na kung ano ang magiging takbo ng tadhana sa akin kapag sisimulan ko na makatulong sa pamilya para maabot ng buong pamilya na makakaranas ng kaligayahan na hindi dahil sa kayamanan o kalungkutan sa kahirapan, kaya naman mas naisip nila na maging kuntento sa tamang estado ng buhay. Lahat naman kasi tayo ay may iba't ibang klase ng pinanggalingan na estado ngunit ang tanging magkaparehas lang ay dapat matutunan ang bawat pagkakamali natin ay kaya pa na magawan ng paraan para maitama, dadating lang ito sa takdang panahon."


"Pinilit nila na huwag muna ito banggitin sa akin hanggang ako ay hindi pa marunong umintindi ng mas malawak. Ngunit, mas pinilit nila na sabihin at ipaintindi nila ito sa akin kahit masakit sa loob nila. Pinili nila na maging tumayo na mabubuting ikalawang magulang sa akin kaya sinabi pa rin nila. Sa bagay, totoo naman kasi, bata pa naman ako at hindi lahat ay kaya ko masabayan. Ito ang naging dahilan para hindi ko maisip o maramdaman na baka maging pabigat ako sa kanila. Siguro, natutunan nila na mas maganda na marinig ko na galing mismo sa kanilang bibig ang mga bagay na may ukol sa amin kaysa malaman ko ito sa iba. Dumating sa punto na may kailangan na silang gawing desisyon para sa akin. Ito ay kahit medyo labag nga lang sa kanilang loob na gagawin ito para lang mapabuti ang magiging buhay ko sa hinaharap."

XOXO, CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon