Chapter 7: One Less Victim

6 0 0
                                    

Cofflina: "Pahigop pa lang kami ng mga kape ehh."

Operla: "May pangkape naman pala."

Saeryl: "Totoo yan. Kala ko kasi, hindi masyadong kayang bilhin."

Mandrie: "Kaya naman ehh. Sa totoo lang, si Coffee ang nanlibre nito bilang pasasalamat nya sa amin."

Wandy: "Wala naman masama kung manlibre ehh."

Tiaelle: "Umaasa na pala ngayon sa libre."

Amefia: "Kami??? Hindi nga namin inaasahan na ililibre kami. Sumama lanng naman kami sa kanya. Alam nyo na, nagiingat na kasi kami."

Saeryl: "Natatakot pala kayo na kalabanin kami."

Operla: "Nagpapakitang gilas pala kayo sa amin pati din sa iba."

Tiaelle: "Basura nga naman. Amplastik ahh."

Cofflina: "Ayaw nyo naman maniwala na nilibre ko sila bilang pasasalamat sa pagsama ko sa kanila sa grupo."

Wandy: "Kung ayaw nyo maniwala sa kanya, ehh di huwag."

Mandrie: "Palibhasa, mga inggitera lang kayo kasi gusto nyo na naman magpakitang tao."

Amefia: "O gusto nyo lang na magpalibre kasi nakita nyo na."


Umalis at sobrang nahiya sila Saeryl, Tiaelle at Operla. Tinuloy naman nila na maubos ang kape na iniinom na libre ni Cofflina. Pumunta muna sa silid-aklatan para magpalamig at...


Amefia: "Ang sarap ng kape. Nakakagising lalo ng naantok na diwa."

Mandrie: "Mas nagising lang naman tayo nung dumating sila Saeryl, Tiaelle at Operla."

Wandy: "Ayan tuloy, naging mapait agad ang umaga natin."

Cofflina: "Hayaan nyo na. Huwag masyado tayo magpaapekto."


*Napaupo na sila para maituloy ang kwentuhan


Mandrie: "Salamat sa palibreng kape, Coffee."

Cofflina: "Wala yun nohh. Ako nga dapat itong magpasalamat sa inyo."

Wandy: "Kaibigan ka na rin naman namin ehh. Ayaw ka din namin mapahamak sa mga katulad nila."

Cofflina: "Natatakot pa din ako sa kanila."

Amefia: "Kahit na nakakalaban mo na sila?"

Cofflina: "Pasensya na, lumakas lang naman loob ko dahil sa ininom nating kape."

Wandy: "Kape lang pala ang paraan para makalaban mo yun ng may lakas ng loob."

Mandrie: "Sana lang, kagaya ng isang kape, hindi nila maamoy sa iyo yung takot."

Amefia: "Kagaya din ng kape, mas sasarap sila na mas makalaban ka nila kung magpapadala ka sa damdamin mo na natatakot ka."

Wandy: "Tandaan mo, ang kape, magiging mapait ang lasa kapag hindi mo susubukan gumawa ng paraan para maitama mo ang mga pagkakamali."

Cofflina: "Para kasi akong nagiging yelo tuwing nakikita natin sila. Kung pwede lang, umalis na ako dito sa Unibersidad ng Mylvia para hindi ko na sana sila nakilala pa."

Wandy: "Kung hindi ka pumasok dito, hindi mo naman din kami makikilala at magiging kaibigan mo dito."

Amefia: "At isa pa, hindi mo mas nakilala ang iyong sarili kung lalo mo lang itatago ang mga bagay na nagpapabigat sa iyo."

XOXO, CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon