Chapter 11: Unpremeditated Idea

4 0 0
                                    

Cofflina: "Kailangan ko ng mga tulong nyo."

Amefia, Cioferd, Mandrie, Operla, Tiaelle & Wandy: "Oo naman, ano ba maitutulong namin?" *sabay-sabay silang umupo para pagusapan

Cofflina: "Ganito, makinig ka muna sa akin, Wanwan. Napansin ko sa mga lumipas na araw na mahilig ka sa pagguhit. Bigyan kita ng isang linggo para mapaghusayan mo."

Wandy: "Teka, ano gagawin mo sa mga iguguhit ko."

Cofflina: "Ilalagay natin sa menu ang pangalan ng magagawa mo na larawan na guhit para marami silang pagpilian. Ito ay para magawa natin ang kremang pangkape kapag natapos na gawin ang kape. Sa ganoon, mas makikilala ang mga kape natin na may iba't ibang disenyo ngunit iisa lang ang lasa."

Wandy: "Makakaasa ka, Coffee. Bale, ang gagawin ko na lang ay yung hindi pa nakakagawa na pwede natin masubukan."

Cofflina: "Pumapayag ako dahil mas makikita natin kung ano ang kaibahan ng mga kape natin kumpara sa sariling timpla natin sa bahay."

Wandy: "Sige, gagawa ako pagkauwi. Salamat sa tiwala, Coffee."

Cofflina: "Wala yun, Wanwan. At para naman sa iyo, Amea, ibibigay ko ang tungkulin kung paano gumawa ng kape na walang gamit na makina para makagawa ng kape pati kung paano mas pagaganahin ang makina mismo para makita natin ang pagkakaiba nila."

Amefia: "Tignan ko kung paano muna gagawin pagkatapos subukan ko at sasabihin ko sa inyo kapag nakagawa na ako ng mga pwede pa natin magawa."

Cofflina: "Maraming salamat, Amea. At para naman sa iyo, Andie, kailangan mo makaisip ng mga pagkain na bukod sa tinapay na pwede pa makasama ng kape kapag kainan."

Mandrie: "Ang gagawin ko ay maghahanap ako ng pagkain sa iba't ibang kainan at may dala akong sariling kape para makita ko kung pwede makagawa ng mas maayos na pagkain para sa kanila."

Cofflina: "Salamat sa ideya mo kaya aprubado ko. At para naman sa iyo, Leo, ang ibibigay ko ay..."

Amefia, Mandrie & Wandy: "Yung puso mo, yieeee."

Cofflina: "Huy, magsitigil nga kayo. Nagtatrabaho ako ng maayos para magawa ko na ang pangarap ko."

Amefia, Mandrie & Wandy: "Sus, palusot."

Cofflina: "Ewan ko sa inyo. Tahimik muna kayong tatlo. Mabalik na pala tayo sa sinasabi ko. Sa nakikita ko, marunong ka sa paghahanap ng paraan kung sakali may mangyari kaya ibibigay ko sa iyo ang tungkulin na maging katuwang ko sa negosyo para kapag wala ako ay ikaw ang pangalawang mamahala sa negosyo ko."

Amefia, Mandrie & Wandy: "Katuwang mo na lang din sa hinaharap."

Cioferd & Cofflina: "Kayo talaga!!!" *sabay na natawa 

Cioferd: "Hindi ko alam kung magagawa ko. Ito kasi ang una kong papamahalaan."

Cofflina: "Eto na yung pagkakataon na gusto mo din gawin. Naniniwala ako sa kakayahan mo."

Cioferd: "Kahit na bago ka pa lang sa papasukin mo mundo?"

Cofflina: "Kaya ko nga kayo pinagsama-sama para hindi lang bilang magkakaibigan..."

Amefia, Mandrie, Operla, Tiaelle & Wandy: "Magkaibigan ba talaga ahh?"

Cioferd & Cofflina: "Oo naman!!!"

Amefia, Mandrie, Operla, Tiaelle & Wandy: "Kinikilig na yan. Kahit hindi nyo na itago."

Cioferd & Cofflina: "Kakakilala lang namin ahh. Hinay lang kayo."

XOXO, CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon