Cofflina: *napaupo "Phew, naloka ako doon. Gusto talaga ibato sa akin yung galit at inis ehh."
Wandy: "Grabe ka, Coffee. Nagawa mo yun!!!"
Mandrie: "Habang kami, nakaupo lang at pinanood kung ano ang reaksyon nila."
Amefia: "Nakikita ko na ngayon. Ikaw ang magiging matindi nilang kalaban kaya ihanda mo na ang sarili mo."
Cofflina: "Sino ba ang nagsabi na hindi ako handa lalo kung sila ang makakaharap ko dito."
Mandrie: "Pinagmamalaki ka namin na naging kaibigan ka namin."
Amefia: "Sila na ang maghahanda sa muling paghaharap nyo."
Wandy: "Mukhang naisaisip at naisapuso na nya ang sinabi natin sa kanya."
Amefia: "Totoo yan, kaya naman tagos hanggang buto na nakikita ka namin na ganyan na."
Mandrie: "Eto na yun. Sya na ngayon si Love Cofflina Liasen Version 2.0"
Cofflina: "Salamat talaga sa inyo. Nandyan kayo para palakasin ang loob ko. Ngayon, oras ko na para makilala na nila ako bilang Version 2.0"
*Tumunog ang kampanilya
Wandy: "Oras na ng uwian. Kita na lang tayo ulit bukas."
Amefia: "Bitin na naman usapan natin. Sa bagay, kailangan natin na magpahinga."
Mandrie: "Totoo nga ehh. Napasabak kasi agad tayo ngayon."
Cofflina: "Sasabay na pala ako sa inyo ahh."
Mandrie: "Malapit ka lang naman sa amin di ba?"
Cofflina: "Oo para din hindi na ako matakot?"
Wandy, Amefia & Mandrie: *napatingin sa isa't isa at lalo kay Cofflina "Coffee naman!!!"
Cofflina: "Ang ibig ko sabihin, gusto ko lang masanay na may kasabay ako."
Amefia: "Akala ko ba hindi ka na natatakot?"
Wandy & Mandrie: "Oo nga!!!"
Cofflina: "Okay, sige na, may kaunting takot pa din ako nohh. Lilipas lang din naman itong nararamdaman ko na pagiging takot."
Wandy, Amefia & Mandrie: "Umamin rin!!!"
Sa kabilang kanto, naglalakad naman sila Operla, Saeryl at Tiaelle at may...
Operla: "Nakakaloka ang mga naganap ngayon. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari."
Tiaelle: "Kahit naman din ako nohhh. Hindi naman natin alam na may makakatunggali na tayo dito sa Unibersidad ng Mylvia."
Saeryl: "Ngayon, alam na natin. Wala pang nakakagawa sa atin ng ganoon."
Operla: "Ehh kung ganoon, kailangan natin gumawa ng paraan para hindi na tayo napapahiya sa klase."
Saeryl: "Kaso mukhang wala na tayo magiging magkakampi kung hindi tayo lang din dahil nasira na reputasyon ko dito."
Operla & Tiaelle: "Ano ikaw lang, huh?!?"
Saeryl: "Pasensya na, Natin pala!!!"
Operla & Tiaelle: "Yun naman pala ehh!!!"
Saeryl: "Desperada na ako sa desperada kung tawagin na tayo ng iba. Grabe naman kasi ang ginawa nila sa atin."
BINABASA MO ANG
XOXO, Coffee
FantasyLove Cofflina Liasen is known in the world as the best coffee maker and coffee critic because she loves anything that is relate to coffee." Just like a cup of coffee, she is full of determination and willingness to make a coffee for each person who...