Chapter 12: Standard Lass, Scuffle Businesswoman

9 0 0
                                    

Makalipas ng isang linggo ay...


Cofflina: *nagising  "Naku, isang linggo na pala ang dumaan. Hala, saglit, kailangan ko na magayos ng sarili ko dahil papasok na ako." *nagsimula nang asikasuhin ang sarili at matapos ang kalahating oras ay...

Cofflina: *naglalakad "Ano na kaya ang nagawa ng mga kaibigan ko? Hays, wala pa naman nagbibigay sa akin ng payo dahil isinaisip ko lang ang sinabi nila." *nang...

Wandy: *nakasalubong "Ohh, aking kaibigan, kumusta ka?"

Cofflina: "Ayos naman ako. Iniisip ko na yung ibang kasama natin sa naiisip ko na negosyo." *nagpatuloy muli sa paglalakad

Wandy: "Oo nga pala, eto na pala ang mga ginawa ko na guhit." *sabay inabot at...

Cofflina: *nagulat  "Uyy, grabe, pinagkasya mo ang bawat apat na iguguhit mo sa iisang papel."

Wandy: "Syempre, kailangan makatipid sa papel."

Cofflina: "Sa bagay, karamihan nga naman sa gagawin natin na kape, nasa tasa lang kaya talagang importante din ang bawat detalye."

Wandy: "Kung gusto mo, pwede pa ako makagawa."

Cofflina: "Saka na muna, Wanwan. Alam ko din na  pinagpaguran mo na magawa ito lahat kaya kapakanan naman ng sarili mo ang isipin mo ngayon."

Wandy: "Iba ka talaga sa mga taong nakilala ko na naghahawak ng negosyo. Kaya tama na nagtitiwala tayo sa isa't isa."

Cofflina: "Ano ka ba, ako nga itong gusto magpasalamat kasi nagawan mo ng paraan na makatapos ka ng iba't ibang guhit sa loob ng isang linggo lang. Dahil dyan, nakakuha ako lalo ng lakas ng loob para magpatakbo ng negosyo."

Wandy: "Magkaibigan tayo at gusto ko magpaabot ng suporta dahil malaki ang magiging impluwensiya mo para sa ibang tao."

Cofflina: "Hindi ko din naman maiisip lahat ng meron nito kung hindi dahil sa inyo kaya salamat din, Wanwan." *nang biglang...

Cioferd: "Uyy, kayo pala, Coffee at Wanwan."

Cofflina & Wandy: "Magandang araw, Ford."

Cioferd: "Magandang umaga din sa inyo." *nagpatuloy sa paglalakad

Cofflina: "Ano ang mga napagaralan mo na para mas maging maganda ang pagpapatakbo natin ng negosyo ko, ayy, natin na pala?"

Cioferd: "Bakit naman natin ang nasabi mo?"

Cofflina: "Pamilya na ang itinatrato ko na sa inyo."

Cioferd & Wandy: "Aww, Coffee!!!" at...

Amefia: "Hala, may nangyayari dito!"

Wandy: "Sayang, hindi mo narinig ng buo. Kwento na lang namin ni Ford kapag kumpleto na tayo." Sabay may...

Tiaelle: "Uyy, isang linggo na ang lumipas nang sinabi ni Coffee ang mga gagawin natin."

Operla: *nambigla  "Oo nga. Ang saya ng ganitong oportunidad."

Cofflina: "Ayan, kumpleto na tayo. Nung dumating si Amea, may narinig sya. Ano nga ulit yun?"

Amefia: "Ayy, oo, napasingit ako bigla nung narinig ko sila Ford at Wanwan."

Cofflina: *nagpatuloy na sa paglalakad  "Alam nyo, lahat tayo ay may karapatan para bumangon muli. Ako, nagpabiktima dahil sa hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang aking sarili sa ibang tao may nakagawa sa akin. Kaya ganoon din kayo. Ito ang naging dahilan para lumakas ang loob ko na ituloy ang pangarap ko maging isang negosyante. Gusto ko kayo isama sa pangarap ko na ito para makatulong kayo sa inyong sariling pamilya kaya ang paraan na naisip ko ay upang mas iparamdam ko sa inyo na itinuring nyo ako bilang pamilya."

Tiaelle: "Masaya na ako nakabawi sa lahat ng ginawa ko panglalait sa inyo."

Operla: "Kahit ako. Mas naging magaan ang pakiramdam ko sa inyo."

Cofflina: "Ang laki nga ng naitulong nyo sa akin, Elle at Orla. Hindi ko nga inaasahan na tatanggapin ninyo ang alok ko sa inyo."

Operla: "Gusto namin iparamdam sa iyo ni Elle pati din sa inyo kung gaano kami nagsisis sa mga nasabi at nagawa namin."

Tiaelle: "Salamat ng buo at taos puso, Coffee."

Cofflina: "Wala yun. Salamat din dahil ngayon ay nakikita ko na ang pagbabago ninyo."

Mandrie: "May sasabihin pala ako sa iyo, Coffee."

Cofflina: "Ohh, bakit? Sabihin mo lang."

Mandrie: "Huwag ka mabibigla sa sasabihin ko... pero hindi pa ako nakakakita ng pwede kong lugar para gawin yung sinabi ko sa iyo."

Cofflina: "Hala, teka, bakit?"

Mandrie: "Mahigpit kasi yung bawat pinupuntahan ko para magsagawa."

Cofflina: "Hays, paano na kaya ito?"

Amefia: "Kahit ako, problemado din. Maghahanap pa sana ako ng makina na panggawa ng kape kaya nagsasanay pa lang ako sa mano-mano na paggawa ng kape."

Cofflina: "Okay lang naman kasi hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay aasa tayo na may kuryente para makagawa ng kape sa makina. Ang importante dito, kailangan pa rin magawan yan ng paraan."

Amefia: "Sige, hahanap pa ako sa iba pang bilihan."

Operla & Tiaelle: "Kami din, hindi pa nakakahanap ng lugar kung saan itatayo ng maayos ang negosyo."

Cofflina: "Kailan ba kayo nagsimula maghanap?"

Operla & Tiaelle: "Nung mismong araw pagkatapos natin magusap para sa negosyo."

Cofflina: "Ganito na lang. Sasama na ako pati na sila Amea, Andie, Ford at Wanwan para lahat tayo ay makakita ng maayos na lugar." *Nang may narinig na yapak at...

Saeryl: "Oh, kayo pala. Hindi ko kasi kayo nakilala."

Cofflina: "Magandang araw, Saeryl."

Saeryl: "Walang maganda sa araw. Sinira mo kasi agad."

Cioferd: "Ikaw na babae ka, ayusin mo nga yung bibig mo. Kaso kahit ano pala ang gawin mo para umaayos ang pananalita mo, wala pa din."

Saeryl: "Oh my ggggaaassshhh, sino ka ba, huh, knight and shining armor ka ba nya?"

Cofflina: "Huwag mo nga kausapin ng ganyan ang boyfriend ko." *gulat na kinilig sila Amefia, Mandrie, Operla at Tiaelle at si Cioferd ay namutla sa gulat

Saeryl: "May boyfriend ka na pala. Kaso mukhang hindi naman kayo magtatagal kasi hindi ka bulag."

Cioferd: "Umalis ka na dito kasi hindi ko hahayaan na saktan mo sya o kahit kami bilang mga malalapit sa kanya kasi kapag may isa sa amin ang sinaktan mo, hindi ko palalagpasin ang gagawin mo sa kanila."

Saeryl: "Aalis na talaga ako kasi hindi ko kinakaya ang mga nakikita ng dalawang mata ko." *agad naglakad palayo kaya...

Amefia, Mandrie, Operla & Tiaelle: "Aaayyyiiieee, boyfriend na pala ahhh."

Tiaelle: "Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko ngayon."

Operla: "Nanaginip ba ako?"

Amefia: "Hindi ko kinakaya, sandali lang."

Mandrie: "Yun naman pala ehhh. Sasabihin mo rin."

Cofflina: "Uhmm, Ford, pwedeng kausapin kita ng tayong dalawa lang?"

Cioferd: "Ohh, sige, samahan kita."

Cofflina: "Narinig nyo naman siguro, Amea, Andie, Elle at Orla."

Amefia, Mandrie, Operla & Tiaelle: "Oo nga, punta na lang kami sa unibersidad."

Cofflina: "Ingat kayo ahh." *nagpatuloy sa paglalakad ng malayong distansya

Cioferd: "Ano ulit yung sinabi mo?"

Cofflina: "Sinabi ko lang yun para tigilan na nya kami."

Cioferd: "Ang tapang mo rin."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

XOXO, CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon