Chapter 6: From Anxiousness To Nerveless

6 0 0
                                    

Pagkatapos na magusap sila sa panlikuran, agad na pumunta sila sa silid at...


Wandy: "Eto pala ang magiging silid natin dito sa unibersidad, Coffee."

Amefia: "Doon tayo sa may apat na helerang upuan."

Mandrie: "Atleast ngayon, hindi ka magisa."

Cofflina: "Ang babait nyo talaga."


Hanggang dumating ang...

*Pumasok na sina Operla, Saeryl at Tiaelle


Cofflina: "Teka, anong ginagawa ng mga yan dito sa loob ng silid?"

Wandy: "Isa lang ang ibig sabihin nito!!!"

Mandrie: "Kaklase natin ang mga babaita."

Amefia: *pabulong na nagsalita  "Magingat tayo kasi hindi natin alam kung ano ang kanilang susunod na mga plano."

Cofflina: *natatakot magsalita "Malamang, tayo na ang kanilang punterya para mawala dito sa Unibersidad ng Mylvia."

Mandrie: "Hindi ako papayag nyan. Kailangan natin gumawa ng paraan pero hindi tayo ang gagawa ng paghihiganti para sa kanila."

Amefia: "Ehh, bakit hindi?"

Wandy: "Ano ka ba, Amea, mas maganda kung hindi natin sila ipaghihiganti gamit ng mga kamay o para saktan sila."

Cofflina: "Hinay-hinay naman tayo dyan, hindi ko nauunawaan ang inyong gusto maiparating."

Amefia: "Oo nga, tama si Coffee. Kahit ako, nagugulumihanan ako."

Mandrie: "Kailangan natin magpakitang gilas dito sa loob ng silid."

Wandy: "Para balang araw, magsisi sila na kinalaban tayo. Tutal kasama natin sila dito sa silid at magiging kaklase natin."

Amefia: "Sigurado ba kayo sa desisyon na yan, Andie at Wanwan?"

Cofflina: "Natatakot din ako kasi baka bawian nila tayo kahit pati dito sa loob ng silid ay mautakan. Ayoko lang na may bumalik sa atin dahil sa mga ginagawa natin."

Mandrie: "Wala na tayong magagawa."

Wandy: "At wala na din tayong pagpipilian kung hindi ay ipakita natin sa kanila na nararapat tayo irespeto bilang mga tao na nasasaktan din sa mga salita nila."

Cofflina: "Kaya nyo ba ako pinupuri sa nagawa ko sa kanila kanina?"

Amefia: "Ganoon na nga, Coffee. Minsan, kailangan natin subukan lalo kung kakailanganin na ipagtanggol ang sarili para sa tama at nararapat."

Cofflina: "Sana wala tayong pagsisihan dahil sa kung ano ang kakayahan natin."


*Hanggang narinig ang sinabi ni Cofflina sa mga babae na sina Operla, Saeryl at Tiaelle


Saeryl: "Pasensya kung gagambalain ko ang inyong paguusap."

Cofflina: "Ito na naman sya. Umaatake na naman."

Operla: "Ang lakas naman... ng pandinig namin. Pati yung boses kasi mo, mukhang may gusto ka ipatama ehh."

Wandy: "Pwede ba, hindi ba kayo nahihiya?, nasa loob tayo ng silid."

Tiaelle: "Ganyan ba talaga ang gusto mo ahh, sige, pasensya ka na ahh... Pasensya kasi hindi mo naman nararapat na marinig *evil laugh"

Amefia: "Huwag yung mga kaibigan ko ahh. Gusto lang namin magusap ng maayos."

XOXO, CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon