Chapter 4: A School Day

8 0 0
                                    

"Simula nung napunta ako sa aking mga pinsan, tiyo at tiya, inaalagaan nila na ako at pinaramdam nila na nandyan sila para magisilbing gabay ko sa bawat oras. Hindi ko naranasan na maging pabigat ako sa kanila habang nakikisama ako sa kanilang pamilya. Syempre sa una, matindi talaga ako maghabol sa mga magulang ko dahil ayoko na mapalayo ng husto sa kanila pero kung ang tadhana na ang gumawa ng kapalaran ko, wala naman akong magagawa."

"Napawi naman ang matinding kalungkutan at pangungulila ko sa kanila dahil sa mga kalaro ko. Kilala nyo na sila, sila ang mga tunay na anak ng nagalaga sa akin na tiyo at tiya. Sila na mga pinsan ko ang nagtuturo din sa akin tuwing umaalis pansamantala ang mga tumayong pangalawang magulang ko. Bilang bata naman ako, karapatan ko din naman na lumigaya sa pamamagitan na nakikipagkulitan, nakikipaghabulan at nakikipaglaro sa mga nakakatandang pinsan ko. Inaaliw nila ako tuwing wala na akong magawa at pinapahele nila ako tuwing nakakaramdam na ako ng pagod o antok."

"Hindi ko talaga lubos na maisip na kailangan ko pagdaanan. Akala ko, kaya ko mabuhay na talagang saya lang ang nararamdaman ng puso ko at pinaparamdam ko para sa mga tao naging malapit sa buhay ko. Wala na ako magawa kung hindi magtiis at umiiyak sa isang gilid na hindi ako maririnig o makikita dahil sa pagiging maawain. Kaya sa mga ganitong sitwasyon, nararamdaman ko na iniipit ko ang sarili sa isang dingding dahil sa laman ng isip ko na wala akong durungawan para kahit papaano ay makalanghap ng sariwang hangin."

Kaya kinabukasan...

Tiya: "Ikaw muna bahala sa sarili mo sa ngayon na papasok ka. Balikan na lang kita mamaya."

*Ngunit, sadya pa din na matinding tampo at lungkot ang nadarama ko ng mga panahon na yun. Pakiramdam ko talaga na may nangyayari na hindi ko alam. Hanggang sa...

Wandy: "Wow naman, ang ganda mo naman, Miss."

Cofflina: "Talaga ba, uhmm, nahiya tuloy ako pero salamat."

Wandy: "Ako nga pala si Wandy. Pangpitong taon ko na dito sa Pamantasan ng Mylvia. Okay lang ba kung itanong ko sa iyo na bago ka ba dito?"

Cofflina: "Ahh, oo, ehh, medyo naninibago ako dito."

Wandy: "Ano ang iyong baitang at seksyon?"

Cofflina: "Ako ay nasa unang baitang at ang seksyon ko ay Josephine."

Wandy: "Sakto pala na nagkakilala tayo sa pasilyo. Magkaklase pala tayo kaya tara na."

Cofflina: "Salamat ahh, Wandy." *bumalik ang ngiti sa kanyang labi

*Nagmamadali sa sobrang sabik na makita ni Wandy ang kanyang mga kaibigan upang maipakilala nya si Cofflina nang biglang...

*Nagkabangaan ng libro ang magkaibigang Wandy at Amefia

Wandy: "Hala, sorry Miss... teka, Amefia???"

Amefia: "Uyy, sakto pala na nagkabunguan tayo dito sa pasilyo."

Wandy: "Sakto, hinahanap kita para may ipakilala ako sa iyo, kaibigan."

Amefia: *tinuro si Cofflina "Sya ba ang tinutukoy mo?"

Wandy: "Ahh, oo, eto pala si... oo nga pala, hindi ko naitanong ang iyong pangalan kanina."

Cofflina: "Hindi, sige, okay lang, ako pala si Cofflina."

Amefia: *biglang singit "Wow, kakaiba ang pangalan mo ahh!!!"

Cofflina: "Ayy, Coffee na nga lang pala ang palayaw ko, nakalimutan ko na naman sabihin."

Wandy: "Kakaiba talaga pero ang ganda. Bagay sa iyo."

Amefia: "Sandali, nasaan kaya si Mandrie?"

Wandy: "Oo nga pala, naku, baka hinahanap na din tayo nun. Yun pa naman, kaloka!!!"

Cofflina: "Ano ang ibig mo sabihin, Wandy?"

Amefia: "May isa pa kasi kaming kaibigan. Powerpuff Girls nga kami ehh."

Wandy: "Blossom!!!"

Amefia: "Bubbles!!!"

*Dumating si...

Mandrie: "Buttercup!!!"

Wandy, Amefia & Mandrie: "And we are the Powerpuff Girls!!!"

Cofflina: "May ganyan pa kayong nalalaman."

Mandrie: "Namiss kitang makita, Amefia."

Amefia: "Hanggang ngayon ba naman, ganyan pa din tawag mo sa akin. Amea na lang kasi."

Mandrie: "Pasensya naman, labis yung saya ko nung narinig at nakita kita ulit. At ikaw naman Wandy..."

Wandy: "Sabi ko naman sa iyo, Wanwan na lang kasi nagiisa lang naman ako ehh."

Mandrie: "Ehh, nasanay na ako sa iyo, sensya na. Kaya naman pala ikaw napahiwalay sa akin kasi may bago kang kasama."

Wandy: "Ayy, oo, nadulas ako kanina kaya pati din sya tapos hindi ko napansin na napahiwalay ka na sa akin."

Cofflina: "Ako nga pala si Cofflina pero Coffee na lang."

Mandrie: "Ako naman si Mandrie. Kapitbahay ko pala si Wanwan at nasa pangatlong kanto si Amea. Palayaw ko pala ay Andie."

Cofflina: "Ang saya naman ng araw ko ngayon. Nagkaroon agad ako ng mga kaibigan na katulad ninyo."

Wandy: "Ang kagandahan pa, kaklase ka namin, Coffee."

Amefia: "Yun naman pala ang dahilan kung bakit napahiwalay ka kay Andie habang magkasabay kayong naglalakad sa pasilyo."

Wandy: "Ehh kung hindi ako nadulas, hindi ko naman makikilala ang bago nating makakasama na si Coffee."

Cofflina: "Kasalanan ko ata dahil hindi ako makapaniwala na isa nang pamantasan ang pinasukan ko ngayon."

Mandrie: "Totoo ba yan, Coffee?"

Cofflina: "Para din kahit papaano, makabisado ko ang bawat nilalakaran ko dito sa loob at labas ng Pamantasan."

Wandy: "Pasensya ahh, hindi ko alam na yun pala ang dahilan kung bakit hindi ka nakatingin sa iyong dinadaan kaya napabungo ako sa iyo nang wala sa oras."

Cofflina: "Naku, huwag mo na masyadong problemahin, Wanwan."

*Hanggang sa...

Cofflina: "Ano ibig sabihin ng tunog na yun?"

Amefia: "Halika na, yan ang hudyat na magsisimula na ang taon para muling magaral."

*Sa labis na gusto matuto, sumama na simula noon si Cofflina sa mga nakilala nya lang sa pasilyo. Naging masaya lang sya tuwing nasa tabi nya sila Wandy, Amefia at Mandrie.

Mandrie: "Paano ba yan, sama ka na palagi sa amin, Coffee."

Amefia: "Oo nga naman, para mas maging makulay pa lalo ang samahan natin dito sa pamantasan tsaka mas marami ka kaibigan na handa ka tulungan sa mga magbabalak na saktan ka."

Wandy: "Ano, pumapayag ka ba, Coffee?"

Cofflina: "Oo naman nohh. Salamat ahh kasi hindi pa nga nagsisimula ang taon na ito para magaral, napagaan nyo na loob ko."

Amefia: "Gumaan tuloy lalo ang samahan namin dahil dumagdag ka na sa amin."

Wandy: "Kaya, tuwing kainan o oras ng pagaaral, sabay na natin lahat gagawin."

XOXO, CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon