Chapter 3: Parent's Decision

11 0 0
                                    

"Ang tinutukoy nila sa desisyon na iyon ay may kailangan na ako pagdaanan. Ito ay kailangan na magsimula ng paglalakbay bilang isang magaaral. Aaminin ko, halo-halo ang emosyon ko nung ito ay nalaman ko mismo sa kanila na gusto na pala nila na ipasok ako sa unang pinakamabigat na hamon ng buhay. Masaya dahil may mga makakasama din ako, lungkot dahil nasanay na lahat halos ng oras ng aking mga magulang ay nasa akin para tutukan ako sa paglaki, kinakabahan din ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ng aking paglalakbay aral at pagkasabik dahil hindi lang ako natuto sa aking mga magulang, makakaranas na din ako na matuto din ng ibang aral mula sa ibang tao."


"Kaya mga ilang buwan bago ako maipasok sa paaralan, sila na aking mga tumayong magulang na naging na tumayo din bilang mga guro ko. Sila ang gumagabay at nagpapayo na parang walang pinagkaiba sa kinasanayan ko na sila ay aking mga magulang. Oo naman, doon pa lang, napasabak na ako dahil hindi ko talaga alam kung ano o paano ang gagawin ko. Magulo ang utak ko dahil ang tingin ko pa din sa kanila ay mga magulang ko at ako ang kanilang naging anak-anakan pero mas tinuring na nila ako noon pa man bilang isa na nilang tunay na anak, hindi ko lubos maisip na tuturuan nila na ako na para talaga akong nasa loob ng isang silid aralan." 


"Ganoon man, malaking pagbabago ang nangyari sa aming tahanan. Kahit naman sino na bata ay makakaunawa sa akin. Ang pagkakaparehas nga lang sa magulang at mga guro ay mapagmahal at marespeto na dapat pahalagan. Ang pagkakaiba naman ay kung paano nila iniisa isa na matutunan ko ang mga simpleng bagay na tanging kaya ko lang maunawaan. Syempre, alam nila na hindi naman ako pinanganak na matalino. Ngunit kahit ganoon, ginawan pa rin naman ng paraan na maging matalino ako hindi upang ipagyabang."


"Hanggang hindi ko namalayan, natuto na ako tuwing nakikinig ako sa kanila. Aminado naman ako na minsan na may pagkapasaway ako. Pasensya na, bata pa kasi ako nun, pagbigyan nyo na ako. Mas nangibawbaw sa akin na ang katagang, "Hindi ka dapat huminto na matuto sa bawat kakaharapin mo sa buhay", dahil totoo, habang binibigyan tayo ng pagkakataon at panahon upang may matutunan, may bayad man o wala, mas isaisip natin na ang pagaaral ng ating pagkakamali ay libre lang, yun ay kung matuto ka."


"Sa hindi inaasahan, may muling trahedya ang aming pamilya. May iba pa palang sakit ang aking tumayong ama. Kaya naibilin ako ng parehas ko na magulang na manatili sa piling ng aking mga tiyo at tiya. Nasaktan ako dahil masakit kaya kapag nawalay ka sa iyong pinakamalapit na mga tao sa iyong buhay. Syempre, nasanay ka na nandyan sila palagi para alalayan, gabayan at nagmamahal ng tunay sa iyo. Ngunit, naisip nila ang mas makakabuti para sa akin kaya kahit labag sa loob ko, napilitan ako. Kaya malaking pagbabago ang nangyari sa akin mula nang mapunta ako sa iba ko pang kamag-anak na minsanan ko lang nakakasama."


"Opo, minsanan lang dahil kapag tuwing may okasyon na nangyayari sa amin bilang isang pamilya kami nagkakasama-sama. Naalala pa nga ng mga magulang ko na tuwing matatapos na ang oras para kami ay magkakasama, malakas ako umiiyak dahil hindi ko pa gustong umuwi. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko tuwing buo at sabay-sabay kaming kakain, tatawa, malulungkot at magsama-sama bilang isang pamilya. Ngunit, ano pa ba magagawa ko kung kailangan ng aking ama ang aking ina kahit binabantayan nila ako."


"Bago ako napunta sa pamilya ng aking tiyo at tiya, ang aking mga magulang ay may naibilin sa akin na mga simple ngunit mahahalagang bagay na kailangan ko ingatan. Ang naibigay sa akin ng aking ama ay rosario na simbolo upang maalala ko na ang Diyos ay nasa taas para bantayan ka sa lahat ng oras at maging malakas ang iyong pananampalataya sa kanya. Ang naibigay naman ng aking ina ay kwintas upang maipaalala na kahit saan man ako maglakbay sa mundo at kahit hindi mo kami makakasama, sasamahan nila ako sa bawat lakad ng buhay."


"Masakit nga lang na hindi mo muna pansamantala na makakasama ang mga tumayong guro at magulang mo na. Sa bagay nga naman, hindi mo mapipigilan ang desisyon ng isang magulang para lang sa ikakabuti ng iyong kinabukasan. Ang ginawa ko na lang nung araw na yun ay humagulgol sa matinding nangyari sa aking ng pagkabata. Nahirapan talaga ako tanggapin ang mga pangyayari dahil parang may tuwing may pinoproblema ang nadaragdagan na para bang wala nang katapusan. Nararamdaman ko pa nung mga panahon na yun, sarili lang ang magiging sandalan dahil sa matinding pangungulila."


"Nung kailangan na ako manatili sa bahay ng aking tiyo at tiya, doon na ako mas lalong lumuluha ng lubos sa bawat hakbang na nakikita ko na papalayo na ako sa kanila. Kaya habang nasa byahe, walang humpay ang mga luha na lumalabas sa aking mga mata. Kahit na binibigyan nila ako ng pagkain at tubig, hindi talaga ako tumigil sa kakaiyak. Para tuloy akong ibon na gagawin ang lahat, makalaya sya sa kanyang kulungan at malayang lumipad sa himpapawid. Naiisip nyo talaga na para akong isang tunay na ibon na walang tigil sa kakahuni para lang makasama ko ang mga kalahi ko din. Kaya naging malaki ang naging epekto sa akin nung hindi ko muna makakasama ang aking mga magulang dahil sa matinding unos sa amin bilang isang pamilya."


"Hindi talaga ako mapakali kasi gusto ko palagi na nandyan o nasa tabi ko sila ngunit wala naman akong nagawa. Sa kabila ng lahat, naituring din naman ako ng aking tiyo at tiya bilang anak na rin kahit na may mga pinsan ako sa kanila. Nagkaroon tuloy sila muli ng pagkakataon na magalaga ng bata na kagaya ko. Kaya kahit may malungkot ako na pinagdadaanan, ang mga anak nila na pinsan ko ang mga naging kalaro ko habang nanatili ako sa kanilang pamamahay. Dito ko na lang itinuon ang oras para pansamantalang makalimutan ang mga problema."

XOXO, CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon