Martella 3

606 14 0
                                    

Flashback

Papasok ako ngayon sa club upang sumayaw muli. Ilang araw na rin akong hindi nakakapunta rito para rumaket dahil maraming activities sa school. 4th year college na ako at sa susunod na dalawang buwan ay graduate na. Napangiti naman ako sa aking naisip. Matatapos ko na ang kolehiyo, p'wede na akong maghanap ng maayos na trabaho. Iyong bukod dito sa raket kong ito na naging libangan ko at the same time ay kumikita ako.

Ga-graduate ako sa kursong Bachelor of Science in Accountancy. Malapit na, kaunting kayod pa at mabubuhay ko na ang sarili ko nang hindi kumukuha ng higit sa tatlong raket kada araw para lang maabot ang qouta kong pera para sa maraming bayarin.

Kahit pa kasi sabihin kong doble ang kita ko rito sa club ay hindi pa rin ito sumasapat sa pinagiipunan ko. Nagiipon ako para makaalis sa bansang 'to at kailangan ko ng maayos na trabaho muna rito sa bansa bago magawa iyon.

Nakapasok na ako sa building na kinaroroonan ng club at agad na bumungad sa akin ang pagkaraming tao nagkakasiyahan sa loob, lalong lalo na ang mga lalaki na pinagpepyestahan ang mga babaeng sumasayaw sa entablado. Ako na ang susunod nilang pagpepyestahan panigurado. Agad akong pumasok sa room para magbihis upang makapagperform na ako.

NATAPOS na ang oras ko sa entablado at tulad ng dati ay marami ang disappointed at bitin daw sa trenta minutos kong pagsasayaw at pagbibigay ng aliw sa kanila ngunit wala na akong pakialam. Iyon lamang ang inilalaan kong oras sa kanila kaya magpasalamat na lang sila.

Agad akong sinalubong ni Mama Em sa back stage matapos kong mag-perform. May dala-dala itong sobreng makapal habang nakangiti nang pagkalawak-lawak na animo'y nanalo siya sa lotto.

"Tella, ito na ang sweldo mo sa gabing ito. You never disappoint me, beautiful!" puri nito sa akin sabay bigay ng sobre. Agad ko itong binuksan at tumambad ang napakadaming pera na ikinalaki ng mata ko. Agad akong nagtaas ng tingin kay Mama Em nang may pagtatanong sa aking mata. Agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin kaya't nagsalita siya.

"Oh, nga pala at muntik ko ng makalimutan. Iyong sinasabi kong babaeng nagtanong ng pangalan mo noong nakaraan ay nandito rin. Sa kaniya galing ang kalahati niyang perang hinahawakan mo. Gusto kang masolo sa VIP. Huwag kang mag-alala at sinigurado kong maayos iyon at hindi ka gagawan ng masama." mahaba niyang litanya habang inaakay patungo sa VIP area.

Nang makarating kami ay inayos niya ang buhok at damit ko bago pinasadahan ang aking kabuuang hitsura at sabay ngiti sa akin.

"Go! Pumasok ka na sa loob, Tella. Kapag may ginawa sa'yo, sumigaw ka o pindutin ang buzzer nang pasimple, pupunta ako." pagkatapos niyang sabihin iyon ay marahan niya akong itinulak papasok sa vip area.

Doon, nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa pabilog na upuan at sumisimsim ng alak habang matiim na nakatingin sa direksyon ko. Naramdaman ko ang mga balahibo sa katawan kong nagsitaasan sa ginagawa niyang titig. Iyong klase ng titig na parang lalapain ka. Huminga muna ako nang malalim bago ako mabagal na naglakad patungo sa direksyon niya.

Nang makarating sa kinaroroonan niya, agad akong tumingin dito. Nakita kong nakatitig pa rin ito sa akin nang matiin na ikinailang ko. Nilabanan ko ang ilang na nadama ko at hinanda ang sarili na makipagusap sa kaniya.

"Hello, madame. I'm Tella," malambing na sabi ko na medyo hinaluan ko ng malanding tono sabay ngiti sa kaniya nang pagkatamis-tamis. Umupo ako sa kaniyang tabi at walang sabing inilagay ang kamay ko sa isang hita niya.

Ramdam ko ang pagkatigil niya sa ginawa ko. Sinamantala ko iyon upang titigan siyang mabuti upang suriin siya. Nakasuot siya ng trouser na kulay itim at polong kulay puti. Hanggang siko itong nakatupi na bumagay naman sa kaniya. Masasabi kong siya ang depinisyon ng poganda, pinaghalong pogi na maganda.

Martella (gxg)Where stories live. Discover now