Martella
Habang kumakain ako ay sinusubuan ko rin siya na tinatanggap din niya. Hanggang sa maubos ang pagkain at agad siyang nagpresintang siya na ang maglilinis at magpahinga na lamang ako. Agad naman akong sumangayon dahil ramdam ko rin sa sarili ang pagod.
Nang matapos niyang maglinis ay bumalik din siya kaagad at tumabi nang upo sa akin at hinagkan ako sa baywang ko at isinandal ang kaniyang ulo sa aking balikat.
"Martella." bulong nito malapit s aking tainga. Napatuon sa kaniya ang aking atensyon.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Kumusta ka habang nagbubuntis sa kaniya? May mga gusto ka bang kainin no'n? Hindi ba nananakit 'yong tyan mo?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. Nakatingin lamang ako sa kaniyang ulo, inoobserbahan siya.
Napataas naman ito ng tingin sa akin upang makita ang reaksyon ko. Nang makita nitong nakatingin lamang ako ay nagsalita muli siya.
"Gusto kong malaman lahat ng nangyari sayo noong nagkahiwalay tayo. Bawat kwento, gusto kong marinig." mahina niyang saad ngunit sapat lang para marinig ko.
Ngumiti ako rito at itinaas ang kamay upang haplusin ang kaniyang mukha bago ako magsalita.
"Noong umalis ako sa condo mo ay pumunta ako rito sa Aklan para magpahangin lang sana. Hindi ko talaga balak magtagal dito at talagang bakasyon lang para marelax ako kahit saglit bago ulit umalis. Pero mga tatlong araw pa lang ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa katawan ko. Lahat ng mga bagay na noon ay hindi naman nagmamatter sa akin dati ay sobrang sensitive ko na." I paused and looked at her. I caught her looking and listening intently to me as I state my experience. I resume talking.
"Nagsusuka at nahihilo rin ako no'ng mga panahong 'yon. Dahil doon, napagdesisyunan ko ng magpakonsulta sa doktor, kahit iyong sa malapit lang muna dito para lang macheck kung ano'ng nangyayari sa'kin. That's when I found out that I'm pregnant." I then touched my stomach, feeling my child kicking actively inside it.
"Balak ko na rin noong umalis dito upang maghanap ng lugar na malapit sa syudad para sana'y hindi na rin ako mahirapan. Kaso bigla naman akong nagkaroon ng bleeding kaya inadvice sa akin ng resident doctor dito na pumarito muna ako kasi sobrang selan ng pagbubuntis ko. Hindi dapat ako mastress kaya't tinulungan nila ako-ng mga tao rito-na maging komportable habang nagbubuntis. Hanggang sa ito na, malusog at sobrang lakas na niya." Nangingiti kong kwento sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin at maya maya'y itinaas ang kamay patungo sa mukha ko.
"You're so brave, my love." she whispered. "You two are brave for holding on. I love you so much." she said and then kissed my cheeks to my forehead.
"How I wish na nandito ako sa tabi mo habang nagbubuntis ka. Gustong-gusto kong alagaan ka at masaksihan 'yung bawat hakbang ng pagbubuntis mo sa anak natin." bulong niya sa kawalan. Pakiramdam ko ay napira-piraso ang puso ko sa naririnig ko mula sa kaniya.
Napayuko ako at kinagat ang pang ibabang labi. Ramdam kong pinipiga ang puso ko't anong oras man ay iiyak na sana ako nang marinig ko ang kasunod niyang turan.
"Di bale, sa pangalawa'y sisiguraduhin kong masasaksihan ko na." saad niya na parang nagpaplank na kaagad. Napataas ako ng tingin sa kaniya ay binigyan siya ng masamang tingin.
Ngumisi lamang ito at inihilig muli ang ulo sa aking balika at hinaplos-haplos ang aking tyan nang marahan.
~~~~
Mature content ahead. Please beware and be responsible. ⚠️Nagising ako nang maramdamang may humila sa akin papalapit sa kung anong matigas ngunit mainit na bagay. Dahil doon ay mas isiniksik ko pa ang sarili ko rito upang maramdaman ang init na nagmumula rito.
YOU ARE READING
Martella (gxg)
RomanceSTAND ALONE Martella Ilova Vartuer Hail Zenon Nuevo "You think you can hide this fucking thing from me? What do you think of me, dumb?" I said while looking at her murderously. She looked at me with shock on her face written. Yet she's trying to h...