Martella 12

413 14 0
                                    

Martella

IT'S BEEN 6 MONTHS since I met Haze at that club. It's been months now since we first did the nasty thing and right now, mababaliw na ako nang sobra-sobra sa nangyayari sa buhay ko. Since that day, she won't stop pestering me anymore!

Like right now, I can hear the doorbell ringing continuously as I keep ignoring it too. I already know that it's her without even looking there.

Nasa kama ko ako ngayon habang tinatakpan ang magkabilang tainga sa pagkarindi at asar sa kaniya. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? 'E 'di ang pagbuksan ng pinto ang mahal na reyna!

Patamad akong tumayo at naglakad papunta sa pintuan upang pagbuksan ang kunsino mang pontio pilato ang kumakatok dito, sino pa nga ba? Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mukha niya.

Natigilan ako nang makita ang kaniyang ayos. Nakaputing polo siya na nakatupi ang manggas hanggang siko, pinaresan ng pantalon niyang kulay itim. She looks so hot and gorgeous at the same time.

"Good afternoon, Martella." nakangiti nitong saad sa'kin. My heart skipped a bit at the sight.

Napatikhim ako at inayos ang postura bago siya tinaasan ng kilay.

"What do you want?" sabay pamaywang. Nakangisi naman ito at nang makitang sinamaan ko siya ng tingin ay umakto itong walang ginawa.

"Makikibahay lang. P'wede ba?" bumalik ang mukha niyang nangaasar at nakangisi pa.

"Hindi-" naputol ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong hinawakan sa baywang at giniya ang sarili kasama na ako papasok sa loob.

"Thank you." She said ignoring what I just said. The smirk js still evident on her lips as she looks at me.

I pouted my lips secretly dahil ganitong ganito ang nangyayari palagi kapag pumupunta siya rito. She's so persistent that I can't do anything but to let her. Though, sometimes, she also respect when I said no pero may mga beses talaga, at ang beses na iyon ay madalas, na kung saan ay makulit siya. May magagawa pa ba ako? Tsaka syempre, hindi ko rin naman ipagkakaila na okay lang din naman sa akin.

Ayaw ko lang na masanay siyang palagi akong umoo. Hindi p'wedeng masanay sa ganito.

"I brought you food. I know you wake up late in the afternoon that you didn't have a chance to eat breakfast." napailing-iling pa nitong sabi. Para itong nanay na nanenermon sa pasaway na anak.

Matagal ko siyang tinignan habang naga-ayos siya ng mga gagamitin sa pagkain. At nang magsawa ay lumapit ako sa likod niya. Niyakap ko ito mula sa kaniyang likuran at inamoy-amoy ang kaniyang leeg. Ramdam kong natigilan ito ngunit patuloy lamang ako sa aking ginagawa.

Nang matapos ito sa kaniyang ginagawa ay hinarap niya ako at binuhat. Natigil ang aking ginagawa nang tinungo niya ang island counter at doon ako inilapag. Nakahawak lamang siya sa aking baywang habang kumukuha ng ilan pang mga gagamitin sa mesa. Nang matapos niya itong kunin ay iniwan niya ako saglit na nakaupo roon para ilagay sa mesa ang mga kinuha niya bago muling bumalik sa kinaroroonan ko.

Martella (gxg)Where stories live. Discover now