Martella 11

457 12 0
                                    

Haze

NAALIMPUNGATAN ako sa pagkahimbing ng aking pagtulog nang maramdaman kong may dumamping kung ano sa aking labi. Dahan-dahan akong nagmulat nang mata upang tignan kung ano 'yon.

Doon ay nakita ko ang pinakamamahal kong babae na hinahaplos ang aking mukha na parang may ginuguhit dito. Humagikhik pa ito nang mahina at ng makita na gising na ako ay nanlaki ang kaniyang mga mata.

Namula ang pisngi nito at aalisin na sana ang kaniyang kamay sa mukha ko nang pigilan ko ito. Dinala ko ang kaniyang palad sa aking mukha at hinalikan ang likod ng kaniyang palad.

"Magandang umaga, mahal ko.." I greeted her with a hoarse voice.

Nakita ko itong napakagat sa kaniyang labi bago tumikhim at nagsalita.

"Uh.. Good morning din." at bigla na lamang siyang umalis nang upo sa kama at isinandal ang likod sa may headboard.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na matawa nang malakas dahil sa kakulitan nitong taglay. Ganito ba talaga ang buntis? Kung gayon ay parang gusto ko na lamang siyang buntisin kada taon-

"Don't, Hail Zenon." she suddenly said. Nawala naman ang aking ngising hindi ko rin namalayang sumisilay.

"The what, babe? Did I do something?" I asked her.

"The smirk on your face says alot! I know what you are thinking!" pumapadyak-padyak pa nitong sabi na parang nagta-tantrums.

Napatawa ulit ako nang malakas sa inakto nito. Pabiro ko itong hinamon nang tingin at ngumisi muli.

"Sige nga, mahal ko. What was I thinking? Hmm? What does my smirk means, my love?" nagmaang-maangan pa ako at tinanong ito. Sinamaan ako nito nang tingin at humalukipkip.

"You smirk while looking at my tummy! You even licked your lips. Hindi pa lumalabas ang bata, Haze. Pero nasa isip mo na kaagad ang sundan siya." napanguso niyang sabi. Hindi nawala ang malakas kong tawa sa kaniyang sinabi at wala ng sinabi dahil totoo namang 'yon ang nasa isip ko.

Lumapit ako rito at malambing siyang  niyakap. Hindi rin nagtagal nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na tumaas at humaplos sa aking ulo. Napangiti ako nang maramdaman ang kaniyang pagmamasahe rito.

"Martella.." tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" saad naman niya. Halatang wala sa aking sinasabi ang pokus kundi sa buhok kong kaniyang kinakalikot ngayon.

"Mahal kita." madamdaming saad ko. Naramdaman ko ang pagtigil ng kaniyang kamay sa ginagawa nito sa aking buhok kaya't napataas ako ng tingin sa kaniya.

Nang magtaas ako ng tingin ay nakita ko ang nakaawang niyang bibig at ang luhang banayad na tumutulo sa kaniyang magkabilang mata. Nataranta ako sa aking nakita at agad ipinantay ang aking sarili sa kaniya upang aluin siya.

"Mahal.. Bakit ka umiiyak? May masakit ba? Ano'ng nangyayari? Sabihin mo sa akin, please?" sunod-sunod kong tanong dahil sa pagkataranta. Ngunit hindi yata nakatulong ang pagtatanong ko dahil mas lumakas lang ang kaniyang palahaw. Todo alo naman ako sa kaniya.

Aking hinahalik-halikan ang tuktok ng kaniyang noo't hinahaplos ang kaniyang likod. Nang maramdamang medyo kumalma na ito ay agad kong sinalubong ang kaniyang mata at puno ang aking mata nang pagtatanong.

"Ano'ng nararamdaman mo, mahal? May masakit ba?" may paga-alalang tanong ko. Umiling naman ito at tumaas ang kaniyang mga kamay papunta sa aking pisngi.

Inilapit nito ang kaniyang mukha sa akin at binigyan ako ng isang mainit na halik. Para bang naglalambing ito na akin namang tinugon. Nang maramdaman ang aking pagtugon ay mas pinalalim niya pa ang halik. Mas naging mapusok at mainit ang kaniyang halik na akin ding tinutugunan.

Martella (gxg)Where stories live. Discover now