Martella 15

122 7 2
                                    

⚠️: unedited! you may encounter typographical error ahead.

Haze

KASALUKUYANG nasa loob kasi ni Martella at ng anak namin ng kotse na tinatahak ang direksyon pauwi sa bahay namin.

Sobrang saya ko na sa wakas ay maiuuwi ko na ang mag-ina ko sa tahanan namin.

Si Martella ay kasalukuyang nagb-breastfeed sa anak namin sa tabi ko habang ako naman ay nagmamaneho.

Pasulyap-sulyap ako sa direksyon ng mag-ina ko habang patuloy pa ring nagmamaneho na pinuna naman ng mahal ko.

"Haze, tumingin ka sa daan, hindi sa amin ng anak mo." ma-awtoridad ngunit malumanay na saad ni Martella.

Nginisian ko lamang sya't tinanguan para sumunod at rumebutt

"I just can't help it, love. Ang ganda ng view ko dito oh. Ikaw, ako, at ang anak natin." madamdaming kong saad.

Para namang naiintindihan ako ng anak namin at bigla na lang itong gumawa ng mga maliliit na ingay. Nagkatinginan kami saglit ni Martella at nagkatawanan.

Sky Zilva Vartuer Nuevo — ang ipinangalan naming dalawa ni Martella sa anak namin. Hindi ko pa rin maalis ang pagkamangha sa mga naganap sa buhay ko. Na tila ba ay biglang dininig ng Maykapal ang nais kong maganap sa buhay ko. Nasa bisig ko ang pinakamamahal kong babae kasama ang nagi-isang anak naming nakapagwapo. Wala na yata akong mahihiling pa.

NANG MAKARATING kami sa aming munting tahanan ay agad kong inalalayan at pinagpahinga si Martella. Ako ang magbabantay sa kanilang dalawa ng anak namin.

"Are you sure on this, Haze?" paninigurado ni Martella sa desisyon kong magbantay sa kanilang dalawa ng anak namin.

"Yes, love. Don't worry about me, I'm fine. But you, you have to rest and regain your energy. Okay? I love you." saad ko.

Binigyan naman niya ako ng isang tango, magaang ngiti't isang "I love you too" bago tuluyang nahiga na para magpahinga. Habang ako naman ay hawak hawak sa mga bisig ko ang munti naming prinsipe, tulog na tulog ito sa mga bisig ko.

Nang mapagod ako sa kakahele ay nilagay ko sa crib si Sky at nagsimulang ayusin ang mga plano ko.

I CALLED my friend, Shin, to ask for her help about my plan. My plan in proposing to Martella.

Ngayong nandito na ulit siya sa bisig ko at may plus one pang anak namin ay hinding hindi na ako papayag pang umalis siya sa tabi ko. I want to spend the rest of my life with her.

"That's all, Shin. I want the place, the things needed, the people, all of it to be done this week." pinal kong saad sa kausap ko sa telepono.

"Dang, man. You're in love as fuck." ramdam ko ang hindi makapaniwala at namamangha niyang boses pagkasabi noon.

"You can say that." Kibit balikat ko lamang na tugon. Totoo naman kasi at hindi ko itatanggi.

"Well, dapat lang na imbitado ako sa kasal mo dahil ako ang nag-ayos ng proposal mo huh." pabiro nitong sabi na ikinangisi ko naman.

"Sure, I'll send you the invitation letter right away" pabiro ko ring tugon. Rinig ko ang malakas nitong tawa sa kabilang linya.

"Sure na sure kang makukuha mo ang oo ni Miss Martella ah. Sure ba talaga?" Doon ay mas lalo akong napangisi. I know she's teasing me but hell kinabahan ako nang kaunti sa kaniyang sinabi.

"I'll make sure of it. Kung tanggihan niya man ako ngayon dahil hindi pa siya handa, uulit-ulitin ko pa 'to nang ilang beses hanggang sa sumuko na siya at pumayag nang maikasal sa'kin." nakakaloko akong tumawa at narinig ko rin muling tumawa si Shin sa kabilang linya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Martella (gxg)Where stories live. Discover now