Mature content ahead. Please beware and be responsible. ⚠️
Here I am again at the club. Swaying my hips, dancing erotically on the stage following the rhythm of the music. I was enjoying myself dancing carefree while my eyes are closed until I felt someone's gaze piercing through my skin.
Binuksan ko ang mga mata ko at inikot ang tingin palibot sa mga tao. Alam kong nakatingin ang lahat sa akin dahil sa pagsasayaw ko ngunit ng isang tinging nag-aalab. Para ako nitong sinisilaban sa uri ng titig na iyon.
Patuloy pa rin ako sa pagsasayaw kasabay ng paglibot ko ng tingin nang may mamataan akong isang babaeng nakaupo sa medyo madilim na parte ng club. Madilim ngunit sa hindi malamang dahilan ay nagniningning siya sa paningin ko. May hawak itong baso na may lamang alak na pinapaikot-ikot niya.
Nakatitig ito nang mariin sa akin na sinalubong ko rin ng tinging nakakaakit. I focused my gaze on her and continued dancing as if she's the only one I'm dancing to. I smiled flirtingly towards her direction and winked. Nakita ko pa ang pagtiim bagang niya bago ko iniwas ang tingin sa kaniya upang tapusin na ang sayaw ko.
NANG matapos ang palabas na ginawa ko ay agad akong bumaba ng entablado upang pumunta na kay Mama Em. Nang makarating ako ay nakita kong may kausap ito ngunit nang makita akong papalit sa kaniya ay agad niya akong nginitian at sinenyasang lumapit.
Napatingin ako sa kausap niya at natigilan ako ng makita ko ang kausapin niyo. Iyong babae sa vip area at kaninang nakita ko rin habang nagpapalabas ako.
"Tella, mabuti at nandito ka na. Oh siya, ito na ang kinita mo ngayong gabi." sabay abot sa akin ng sobre. "Siya nga pala, ito si Miss Haze. Iyong sa Vip area mo kahapon. Gusto ka raw makausap." pagkatapos nitong sambitin iyon ay ngumisi pa ito nang nakakaloko. Napailing na lamang ako at tinignang muli ang babae na nasa harapan ko.
"Oh siya, sige, maiwan ko na muna kayong dalawa rito." rinig ko pang sabi ni Mama Em ngunit hindi ko na siya tinapunan ng tingin dahil nasa babaeng nasa harapan ko ang buong atensyon ko.
"Tella.." sambit nito. Napasunod ang mata ko sa kaniyang labi habang binabanggit ang pangalan ko. Wala sa sariling binasa ko ang aking pang-ibabang labi sa aking nakita.
"Is that your real name?" napabalik ako sa wisyo nang marinig iyon. Napataas ang kilay ko sa kaniyang tanong.
"Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo?" mataray kong sabi sa kaniya. Nakita kong tumaas ang sulok ng kaniyang labi sa narinig habang namamanghang nakatingin sa akin.
"It was a harmless question but I'm sorry if it turned out wrong." may pagsukong saad niya. Pinigilan kong mapanguso sa nakikita ko ngayon. She's saying sorry, just because of what?
"Martella," saad ko. Napatingin naman ito sa akin na may pagtatanong. "Iyon ang pangalan ko." dagdag ko pa. Tumango naman ito at inilahad sa akin ang kaniyang kamay.
YOU ARE READING
Martella (gxg)
RomanceSTAND ALONE Martella Ilova Vartuer Hail Zenon Nuevo "You think you can hide this fucking thing from me? What do you think of me, dumb?" I said while looking at her murderously. She looked at me with shock on her face written. Yet she's trying to h...