111.

716 30 0
                                    

Jonas

3:14 pm
Ser Yvo, salamat sa paghahanap ng apartment para kina nanay.

3:15 pm
Wala 'yon. Pasensya na sa nangyari.

3:17 pm
Ako na bahala do'n sa renta.

3:19 pm
'Wag na. Ikaw na nga nagbayad no'ng deposit tsaka advance. Ako na sa susunod. Bwelo lang. Binibigyan din naman ako extra ni Ser Ethan kapag hinahatid ko si Ma'am Eliana.

3:21 pm
Tsaka inalis na nga sa'yo ng lolo mo lahat eh. Nagsisimula ka pa lang din ulit. Gusto mo pa naman mag-ipon.

3:22 pm
Meron naman na akong nasimulan na ipon no'ng dati pa. Sa Amerika.

3:23 pm
Hindi nila nagalaw kasi pinangalan ko kay Callista no'ng okay pa kami. Akala niya joint account, pero sa kanya ko lang nilagay para kung may mangyari nga, hindi madadamay 'yong para sa kanya.

3:25 pm
Eh 'di na kay Ma'am Callista 'yon?

3:26 pm
Hindi. Binato niya sa akin 'yon no'ng iniiwan ko sa kanya dati. 😅 Hindi niya nakuha kahit password or PIN. Tas hinuhulugan ko pa rin ng pera, hindi nagagalaw.

3:27 pm
Basta 'yong pera do'n, tinrabaho ko 'yon. Hindi galing sa pamilya ko. Tsaka para na sa mag-ina ko. Dinadagdagan ko lang din ngayon galing sa mga sweldo ko.

3:28 pm
Malinis. Ikaw lang ang madumi.

3:30 pm
Ina mo.

3:31 pm
Haha mishu sorry 'di tayo masyadong nakakapag-usap no'ng nakaraan 🥺

3:32 pm
Ayos lang. Mishu too. 😮‍💨

3:33 pm
Kaya sinusundo kita ngayon. Halika na.

3:34 pm
Bumubusina ako sa labas.

3:35 pm
Ano'ng dala mong sasakyan? Bago na 'yan?

3:36 pm
Wala. Busina lang.

3:37 pm
Gago! Ano nga?

3:38 pm
Nag-taxi ako kasi 'di pa ako nabibili ni Tito Ethan. Busy pa siya sa dami ng problemang pasalubong ko sa kanya. 🤡

3:39 pm
Sige, baba na ko.

3:40 pm
Sure ako hindi ka naman problema do'n kay Ser Ethan kasi ayaw ka rin niya pabayaan.

3:41 pm
Jonas, sana siya na lang tatay ko 'no?

3:42 pm
Eh hindi mo naman mapipili ang magulang mo.

3:43 pm
Pero pwede mong piliin kung kaninong yapak ang gusto mong sundin at maging.

3:44 pm
Mabuti ka namang tao, Yvo. May amats lang kausap pero hindi ka kagaya ng pamilya mo.

3:45 pm
Hindi ako naging mabuti sa paghihiwalay namin ni Callista.

3:46 pm
Eh d'yan ka punyeta. Mabait naman 'yon si Ma'am, pinatigas mo lang.

3:47 pm
Sa tingin mo hindi ako tumitigas ha Jonas

3:48 pm
AYOKONG ISIPIN PUTA KA 🖕🏻

Part One: Last KissWhere stories live. Discover now