Chapter 1

25 8 3
                                    

"Iris, hindi ka na talaga papapigil?" si Chelsea.
"Iiwan mo talaga kami?" si Shia.
"Wag! Masisira buhay mo!" si Erna.

Napairap ako sa kaartehan ng mga kaibigan ko. Mag babakasyon lang naman ako sa farm ni Mama, pero kung umasta sila'y parang 'di na ako babalik dito sa lugar namin.

"Di naman ako nag resign, mga baliw!"

I continued on fixing my things while they kept on blabbering about how I should just go there for a week and spend the rest of the summer with them in a beach somewhere. But I've already decided to spend summer in Mama's farm, hoping to find my purpose in this life. Because it really sucks to live on this earth without knowing the reason why you're here. It's like I'm just floating and being blown by the wind to an unknown place.

Oo, graduate na ako, may trabaho ako, may sariling bahay at may farm pa. Pero kahit na meron ako ng mga bagay na 'yan, hindi pa rin ako masaya. Parang may kulang. Parang feeling ko hindi dapat ganito lang ang buhay ko. Gustong-gusto kong malaman kung ano ang kulang na 'yon, kaya hahanapin ko, baka sakaling matahimik na ako, baka sakaling makontento na ako't sumaya.

Kasi sa totoo lang, sa simula ng mawala si Mama, parang nawalan na rin ako ng pangarap. Kasi ano pa nga bang gagawin ko? Magsisikap mag trabaho? Para kanino? Sa sarili ko lang? Eh kaya nga ako nag aral ng mabuti at nagsikap na makapag trabaho agad para kay Mama eh. Para mabigyan siya ng magandang buhay, para matupad ang pangarap naming dalawa.

Sabi pa niya, gusto niyang mag travel kami abroad, mag shopping, mag enjoy habang malakas pa siya.

I sighed. Ma, may ipon na ako, pwede na tayong mag travel, ba't di mo ko hinintay?

I shook my head. Ayoko mag drama ngayon, baka maiyak lang ako. Kaya ko 'to. Maghahanap ako ng direksyon kung saan magiging masaya ako. Bubuo ako ng bagong pangarap, ng bagong ako. Baka sakaling mahanap ko ang bubuo sa kung ano mang kulang sa'kin.

"Bisitahin niyo nalang ako do'n para 'di niyo 'ko sobrang mamiss," sabi ko pa para tumigil na sila sa kaka arte na parang nakikipag kalas na ako sa kanila.

"Kami pa mag aadjust?" Pagtataray ni Chelsea. Katabi niya si Shia at Erna sa sofa ng faculty room namin.

Sila ang college friends ko noon at co-teachers ngayon. Secondary teachers kami at nakikita kong mukhang masaya naman sila sa trabaho namin. Habang ako, masaya lang na may sweldong natatanggap pero hindi ako masaya sa trabaho ko.

"Bongga ka?" Segunda pa ni Shia. Again, I rolled my eyes and just minded my business.

Titigil naman sila pag napagod sila kakapigil sakin at pag naisip nilang 'di na talaga magbabago ang desisyon ko. Aalis ako nang dalawang buwan at babalik kapag alam ko na ang gagawin ko sa buhay.

Wala nga naman akong pamilyang uuwian doon kaya naiintindihan ko kung bakit hindi nila gaanong matanggap ang kagustuhan kong manirahan pansamantala sa probinsya na ilang oras din ang layo sa lugar namin, kung saan ako pinanganak at lumaki.

Pero wala eh, sigurado na talaga ako sa desisyon ko. I want peace right now. Gusto kong lumayo at mapag-isa muna. Babalik naman ako, siguro. Depende sa magiging desisyon ko sa huli. Baka magustuhan ko ang kapayapaan sa probinsya, baka rin naman mas gustuhin ko ang magulong city namin. Depende na rin sa kung ano ang plano ni Lord para sa 'kin.

"Babalik ka naman di ba?" Erna asked.

I smiled and hugged her waist. "Oo naman. Probably a week or two before the opening of classes."

Bago umuwi sa bahay, dumaan muna ako sa grocery store para mamili ng mga pagkain at posibleng kailanganin ko sa buong bakasyon na pagtira ko sa fam. Probably snacks and essentials. Sa palengke do'n na lang ako bibili ng pagkain sa araw-araw.

Mahirap na't matagal-tagal na din simula ng huli kong punta do'n, the last time was when Mama was still alive and that was a couple of years ago, and noong time na 'yon ay wala pa gaanong mga tindahan sa lugar na 'yon. Although alam ko na nasa mabuting lagay naman 'yong farm kasi may kaibigan do'n si Mama na pinagkatiwalaan niyang mag aalaga ng farm habang wala kami.

I kept on reciting the list of items that I still need to buy when I felt an emerging pain from my right ankle and butt, like I have been hit by something.

I cursed softly. Masakit kasi talaga, lalo na 'yong paa ko. I calmed myself first before turning around, which is a good thing because when I turned around, I saw a guy who looks apologetic, with a big pushcart na sobrang lapit na sakin.

Now I understand where the pain came from. And I'm glad that I didn't show him that I could be a dragon when hurt. Baka ma-turn off pa siya.

Ha? Anong turn off ang pinagsasabi mo, Iris? Hibang ka na naman, gurl!

I'm thinking nonsense. I almost pinched myself dahil sa kung ano-anong pinag iisip ng magsalita ang lalake.

"I'm sorry, Miss," he apologized. "Are you okay?"

I just stared at him. He's wearing a gray hoodie and faded ripped jeans. Sobrang casual lang yet sobrang lakas ng dating. Naka shades din siya kahit nasa loob kami ng grocery store, I don't know why, baka bawal siya sa bright places like some people I know. He's really tall, too. If I'm 5'7, he's probably around 6 feet. He looks familiar, tho. Baka FB friend ko.

"Miss? San ba ang masakit? Maybe I can give you something para mabawasan 'yong sakit," he kept on talking. I averted my gaze and composed myself.

Iris, hindi ito ang unang beses na nakakita ka ng gwapong matangkad, okay? Kalmahan mo lang. Alam kong pasok siya sa standards mo, lalo na't mukhang mabait siya at masarap yakapin, pero baka may jowa yan na biglang dumating at awayin ka pa.

I smiled at him and assured him that I'm fine.

"Sigurado ka? Pasensya na talaga." I can feel his genuine concern and that was more than enough. Nawala na rin naman 'yong sakit ng pwet at paa ko.

"Okay lang. Mauna na ako," I said and walked to where the next item on my list should be found.

Pero ngayon hindi na 'yong nakasulat sa listahan yung umiikot sa isip ko, 'yong lalakeng gwapong matangkad na mabait na. Sana makita ko ulit siya, willing akong gawin siyang happy crush para naman maging exciting ang buhay ko kahit konti.

Solace in YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon