Chapter 2

13 7 3
                                    

I can't explain the feeling once I stepped inside the farm. Parang ang gaan sa pakiramdam, it's like I'm finally home after being away for how many years. It feels so nostalgic. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko noon tuwing umuuwi ako sa bahay after a long day at work tapos makikita ko si Mama sa sala na nanunuod ng tv, minsan nama'y nasa kusina nag luluto ng meryenda namin. Ang sarap sa pakiramdam na maramdaman ulit to. Kakaibang init ang nakapalibot sakin, parang init ng pagmamahal ni Mama.

"Ma, sana nandito ka," bulong ko sa hangin as I looked up at the cloudy sky.

I'll continue reaching some of our dreams, Ma. Soon, kapag nakaya ko na, kapag nahanap ko na ulit ang sarili ko.

Once I settled my things inside, I roamed around the farm. Reminiscing about how Mama and I would help each other to plant the seeds that her friends gave us, tapos araw-araw si Mama ang nag aasikaso ng tanim niya kasi 'yon ang nagsilbing stress reliever niya.

I noticed that the farm and the plants was just like how my Mama and I left it years ago. Malinis at mukhang healthy ang mga tanim. Merong avocado, mangga, guava, papaya and so much more. Sadly, wala na 'yong mga manok, tanging 'yong cage na lang ang naiwan.

Surprisingly, the kubo seemed to be well maintained, too. Although I will still wipe the tables and windows just to be sure na 'di ako ma allergy sa pag stay ko rito. Sensitive pa naman ilong ko. 'Yon nga lang, wala akong makitang walis at iba pang panglinis. Baka merong nagbebenta ng walis sa labas, since kanina napansin kong parang dumarami na ang tindahan dito.

Lumabas ako ng bahay para mag hanap ng walis. Kahit mukhang malinis ang bahay, 'di ako mapapalagay hanggat 'di ako 'yong personal na naglilinis at nakakakita na wala na talagang dumi sa kahit saang sulok.

Unang tindahan na nilapitan ko, puro pagkain lang ang tinda. Ang sabi'y may mas malaking tindahan daw sa bandang unahan pa ng farm. So I went to the direction that the store owner pointed and asked if meron sila ng mga kailangan ko.

Habang nag hihintay sa tindera na ibigay ang binibili ko, I heard a deep voice from behind me saying, "Limang kilong bigas po."

Bahagya akong lumingon para makita kung sino, kasi base sa boses, mukhang pogi ang may-ari. Baka lang ito na ang maging happy crush ko, sayang bet ko pa naman 'yong lalake sa grocery store kahapon.

Naka sandong itim ang lalake at gray sweatpants, naka tsinelas ding itim. Tumingala ako ng konti para makita ng mabuti ang kanyang mukha. Matangkad eh, palahi naman ser!

He's looking directly sa tinderong kausap niya kaya napagmasdan kong mabuti ang kanyang makinis na mukha. Makapal ang kilay, matangos na ilong, mahabang pilikmata, hazel eyes at pinkish lips na medyo makapal din. Walang-wala ang labi kong namumutla kapag walang liptint dito. Magulo ang kanyang straight a buhok pero bagay sa kanya.

My eyes widened when he glanced at me. Agad akong napaiwas ng tingin at umayos sa pagkakatayo.

Wag ka ng lilingon, Iris. Baka mahalata ka, sabihin pang type mo siya. Medyo totoo naman pero kahit na!

"It's you," a deep voice said.

Familiar ang boses ng konti pero wala naman akong kakilala dito kaya imposibleng ako ang kinakausap.

'Wag maging chismosa, 'wag lilingon.

"You're the girl from the grocery store yesterday."

This time, 'di ko na nakayanang hindi lumingon. Sino ba kasi kausap nito? Parang wala namang sumasagot.

And there I saw him looking at me. He smiled a little when our gaze met.

"Ako ba kausap mo?" Parang tangang tinuro ko pa yung sarili ko.

Solace in YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon