Chapter 13

8 2 0
                                    

Days passed and here I am, finally writing a story. Nakalagpas na ako sa prologue at nakasulat na ng iilang scenes. Pakiramdam ko may kulang pa rin. May naisip na akong plot pero 'yong sequence talaga, hindi pa kompleto. I was just so happy lalo na't umaapaw ang ideas ko ngayon!

I immediately messaged Apollo to share to him my achievement for today.

Iris:

Guess what?

Apollo is typing...

Apollo:

What?

Iris:

Ang cold ha!

Apollo:

What is it, my love?

Ganyan ba dapat?

read

Tapos ngayon seenzoned ako?

Natawa ako. Ewan pero may something talaga kapag tinatawag niya akong gano'n. Para akong uod na nahulog bigla sa bote ng asin.

Iris:

I finally wrote something! Nasa chapter 3 na ako! Omg, yey for small wins!

Apollo:

Wow! Congratulations, Iris!

Iris:

Sarcastic ba yan? huhu

Apollo:

I hate communicating with you through texting. You always interpret it the wrong way.

I am proud of you, Iris. Congratulations on your small wins today. Let's celebrate. (This is really really sincere.)

Iris:

Thank you 🥹

Wala akong pera pang celebrate hahaha

Kiss na lang muna huhu

Apollo:

I'd love that but I know that's just keme, right? You say "kiss muna" at almost everything so I know it doesn't really mean something.

Natawa ako. Totoo naman talaga. May isang beses na hindi niya pa alam na gano'n ako. May pinapaabot siya saking bagay no'n habang nanunuod kami ng movie sa bahay niya, sabi ko, "kiss muna," kahit na inaabot ko naman na talaga 'yong inuutos niya pero laking gulat ko ng talagang hinalikan niya ako sa pisnge. Hindi lang isa kundi dumalawa pa talaga siya!

Tsaka niya na realize na bago kong nakahiligang expression 'yon no'ng ilang beses ko na ngang ginamit sa kanya.

Iris:

Naks! Galing mo talaga, ser!

Malay mo true na pala this time hehe

Apollo:

Stop teasing, Iris.

I'll just finish this work conference then I'll be with you na.

Iris:

Ang clingy!

Di ka ba nagsasawa sa mukha ko? hahaha

Solace in YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon