Isang linggo na rin simula no'ng huli naming pag tambay ni Apollo sa private property ng kaibigan niya. Natapos ko naman 'yong bucket hat ko pero napansin kong titig na titig siya dito. Parang manghang-mangha siya sa nagawa ko. Maganda rin naman 'yong nagawa niyang sky blue scarf para sa pamangkin niya.
"Gusto mo ba?" Pag alok ko dito. Para kasing gusto niyang hingiin eh.
"Pwede?" He softly asked. Napakagat pa ito ng labi, animo'y nahihiya. Natawa naman ako pagkatapos ay napatingin sa ginawa kong purple bucket hat na may medium sized daisies. Sobrang cute nito, worth it ang mahigit dalawang oras na pag gawa nito.
"Medyo girly 'yong design, okay lang ba?" He nodded and looked at it fondly.
I gave gim the bucket hat, he even asked me to take a picture of him for his gram.
Nakatalikod siya sa 'kin at nakahawak ang kaliwang kamay sa taas ng bucket hat na suot niya. Parang naglalakad siya sa picture at nakalikod sa 'kin.
He also took pictures of me. Pinaka paborito ko 'yong naka upo ako sa isang malaking bato at sideways na naka patong ang paa sa maliit na bato sa baba ko habang naka tingin sa kaliwa at suot ang shades. Hawak-hawak ko ang buhok sa ulo, crumpling it and making it look like a messy bun while lowkey flexing my armpit.
Ang hot ko sa picture na 'yon kaya naman pinost ko agad ito sa main account ko with the caption, "kalmado." Apollo reacted on it and so did my friends.
@shia_rose
Mine sa bikini top pls@ernacutie
Hot momma 🔥🤤@chelsea_nics
Uwi ka na, di na kami galitI also posted an IG story on my main account using the IG layout.
Apat na pics ang nakalagay. Una ay 'yong pagkaing bigay ni Apollo, pangalawa ay 'yong dagat at sunset, pangatlo ay picture ko habang nakatingin sa sunset at pang apat ay ang picture ng paa namin ni Apollo sa buhangin. Clout chasing lang, alam ko magwawala friends ko sa pinagpopost ko sa IG kaya naman nag eenjoy ako.
Minutes later, nag message na nga sila sa group chat namin.
Shia:
Siya ba 'yong lalaki sa video?
Erna:
the who?
Chelsea:
Congrats, Iris! Finally, madidiligan ka na 🤧
I didn't get to open their message kasi napukaw ang atensyon ko ng video na nasa gallery ko. Ito 'yong sinend ni Apollo sa telegram kasi habang nagcrocrochet kami, nagvivideo kami using two phones. Iyong kanya para sa normal video and phone ko para sa time lapse video pang IG.
Iyong time lapse video, naipost ko na sa dump account ko. Itong full video simula sa pag gawa namin hanggang sa matapos ay hindi ko pa alam ang gagawin.
I played the video. Half body lang ang kita sa video dahil natatakpan ng mesa. Kita rin sa video ang kalahati ng totebag ko at vitamilk na malapit ng maubos. Pati bundok ay kita sa likod namin.
I look so gorgeous in this video, hot din. Nakababa lang ang wavy kong buhok at ang fresh kong tingnan. Gano'n din ang aura ni Apollo, parang masaya at syempre, pogi. Ang puti niya pala, mas maputi pa siya sa 'kin ng konti.
Sa unang ilang minuto ng video, tinuturuan kong mag crochet si Apollo. Dahil sa concentration namin, hindi kami gaanong nag uusap pero paminsan-minsan ay nag tatanong siya kagaya ng, "am I doing it right?" at "Tama pa ba 'to? I think I messed it up."
"Oh, wow, I'm really doing it."
Amazed na amazed siya sa ginagawa niya kaya naman minsan ay natatawa na lang ako.
BINABASA MO ANG
Solace in You
Teen Fictionde Serenio #1 [TAGLISH] IRIS FIEL 6 years in college and shifting from one course to another isn't ideal for most students and parents. Being an irregular student is a waste of time and money. Finally, I finished college and have a stable job. But w...