Shia:
Remind ko lang na bukas ang dating namin d'yan.
Chelsea:
Ano gusto mong pagkain na dalhin namin, Ayeng?
Erna:
Budget friendly na food*
Iris:
Kuripot ka talaga, Erna. Uso bagong buhay, girl!
Erna:
Ubos na pera ko kakagala namin :<
Iris:
Grabe, 'di man lang ako hinintay!
Chelsea:
Wow, buti sana kung ilang araw ka lang dyan ano? Patapos na ang bakasyon, nandyan ka pa rin.
Shia:
Gala nalang us dyan, Iris. Sunduin mo kami ha?
Iris:
Of course. Ingat kayo sa byahe.
Chelsea:
Ano na nga 'yong pagkain na gusto mo?
Iris:
Hmmm buko pie or egg pie hehe thank you!
Naisipan kong mag general cleaning ngayon dahil nakakahiya naman sa mga kaibigan ko kung hindi. Pinalitan ko ng bagong bedsheets 'yong kama sa kabilang kwarto at siniguradong malinis para makapag pahinga sila ng maayos.
Nag-isip na rin ako kung ano ang lulutuin kong ulam bukas. For breakfast, since hindi sila mahilig sa processed foods, baka magluto nalang ako ng fried rice at adobong manok since 'yon ang gusto kong kainin ngayon pero makakapaghintay pa naman ako. Sila na bahala bukas kung anong gusto nila for lunch and dinner. Malalaki naman na sila.
Pagkatapos maglinis, naisipan kong isulat na ang ending ng kwento na sinusulat ko. Inilagay ko doon kung gaano kasaya ang babae na finally, naramdaman niya na ulit ang happiness na nawala sa kanya at mas natutunan na niyang ma appreciate ang mga bagay at tao sa paligid niya. All of it wouldn't be possible without the guy who helped her in seeing how beautiful the world is and how lucky she is that she still gets to it.
Ipapabasa ko ito kay Apollo mamaya pagkatapos kong maligo. Ito na ang way ko para sabihing kami na, na boyfriend ko na siya. Ayoko na rin namang patagalin pa, kasi gustong-gusto ko rin talaga siya.
Ngayon ko lang naramdaman 'to. Tama lang din palang hindi ako lumandi nung high school at college ako, kasi baka hindi talaga ako makagraduate o baka mabuntis lang ako ng maaga dahil sa kalandian ko. Tamang desisyon na naghintay ako. Tamang oras ang pagkakakilala namin ni Apollo.
Naisipan kong pumunta sa bahay nila pagkatapos kong mag-ayos. Sinabi niya naman kanina na wala siyang trabaho ngayon kaya pwede kaming mag movie. I wore a purple shirt and white lounge shorts kasi tatambay lang naman kami. Maglalandian lang naman, bakit pa bobonggahan ang damit?
Bitbit ang ginawa kong turon at powdered milk para isawsaw don, lumabas ako ng bahay at dire-diretsong naglakad papunta sa bahay ni Apollo. Napahinto ako ng makitang may tao sa labas ng bahay niya. Nasa may garden sila. Nakatalikod sa'kin si Apollo at nakaharap sa babaeng matangkad, petite at kulay ash blonde ang buhok wavy na buhok. Sobrang ganda niya. May curtain bangs pa. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, singkit ang mata at plump ang kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Solace in You
Teen Fictionde Serenio #1 [TAGLISH] IRIS FIEL 6 years in college and shifting from one course to another isn't ideal for most students and parents. Being an irregular student is a waste of time and money. Finally, I finished college and have a stable job. But w...