Alam kong pansamantala ang pag tatago ko sa lahat, ang ilan ay napansin na, kung paano ako tumitig sa 'yo sinta, patungo na ako sa lugar kung saan may lunas, mukhang gumaganti si kupido sa dami ng pusong nasira ko, nakahanap rin ng katapat ko, hindi matanggap na ako'y hanggang tingin nag kakaroon ng ideya na umamin kahit na malabo mapa sa akin, itataya na ba ang lahat? O uuwi na?
BINABASA MO ANG
Tinta sa bawat ikaw
PoetryHindi maiiba ang pananaw, ika't ikaw pa rin ang iniisip tuwing dapit araw, inaalala ang ating munting sayaw kahit ang pakiramdam ko'y pumanaw, pagod na sa larong taguan, mauupo nalang at mag susulat hanggang mapuno ang pahina, uubusin ang tinta sa...
