Mahal kong alak 5

3 0 0
                                    


Siguro nga huli na, ang ngiti mong dapat sa akin ay siya na ang nakakatanggap,  kayo'y nag uusap ng alas otso ng hating gabi ako naman ay nag papakalunod sa alak,  hindi alam ang gagawin sa sakit na nararamdaman, mahal kita mahal na mahal, tanging tingin nalang ang kayang gawin,  ika'y iibigin pa rin ngunit hindi na maipapakita, naluluha nalulungkot at nangungulila sa pag ibig mo hasmina,  hindi alam kung saan na ako patungo saksi ang mga bituin sa lakad kong pa gewang gewang,  ang laman ng isip ay ikaw habang mag lalakad pauwi,  pero alam sa sariling ikaw ang tahanan,  ngayo'y nakahiga sa kama,  hinihiling na ika'y katabi,  bubuhos ang luha dahil sa pag traydor ng kaibigan at pag kawala mo sa aking kamay,  o mahal kong alak,  alisin mo ako sa Storyang ito.

Tinta sa bawat ikawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon