"anong gagawin"

5 0 0
                                    

Sa una't huling sayaw, ako lang ang naka alala,  sa unang pag didikit ng ating kamay,  ang puso ko lang ang lumundag,  masyado siguro akong delusyunal inisip na magiging akin ka, sa ilalim ng ng upuan makikita ang tulang isinulat habang ako'y naka titig sa iyo,  sa bawat hakbang ng ating sayaw,  ay parang gusto mo ng umayaw, ika'y hindi akin at hinding hindi mapapa sa akin,  ang mga rosas na dapat ay ibinigay at itinabi nalang hanggat ito'y malanta,  hinihiling na sa pag katuyot nito ay kasabay ng pag ibig ko sa iyo, anong dapat na gawin sa pusong sabik sayo,  ano ba?  Hindi ko alam sabihing kung anong gagawin, mapa sa akin ka lang, pero wala naman,  wala namang dapat gawin, talagang hindi mo lang ako gusto o kahit na kailan, hindi mo ako ginusto, ikaw ang una pero sana naman ay hindi ikaw ang huli, bibitaw na ako sa munting panaginip ko, salamat Archi.

Tinta sa bawat ikawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon