Hindi na ipipilit ang tulang ayaw naman tumugma sa paksa, binuhos ang pag ibig, hindi nag tira sa sarili ngunit wala akong pag sisisi, yayakapin ko muli ang puso mo kapag napagod ito, hindi mo man ako tingnan ng totoo, hindi ko man maparamdam sayo na mahalaga ka ikaw ay gagalitin ko kasi atleast may naparamdam ako sa iyo, ikaw sa pag salubong, sa pag hikayat at sa pag lakad, ikaw lang hasmina walang iba, ako'y matagal ng nag lalakad ng ikaw ang tanging hangad, walang magagawa ako'y uusad na muli ng mag isa, kay bilis mong pag desisyunan pero hindi mo ito kasalanan, hindi sumapat ang aking paghihirap, hindi ko makamit ang iyong ngiti kahit na anong pilit, itong huling pahina ang mag papahiwatig na tama na hasmina, ako'y pagod na, hirap at kapos sa hininga sa bawat letra o sa bawat salita ibubuhos ang Lahat, sa bawat pag tulo ng luha ay hindi kita makukuha, ayos lang 'wag mo kong intindihin, tanggap na tanggap ko, gustong sumigaw tama na, ang hirap mong mahalin kay sakit mong ibigin, wala kang kasalanan akin lahat ito, ika'y titingnan nalang aaktong hindi mag kakilala tuwing masasalubong ka, lalakad na pasalungat sa pupuntahan mo kasama ang sigarilyo sa nguso ko, kasabay ng pag buga ko ang pag hahangad sa iyo, paalam hasmina, mahal kita dati, ngayon at siguro sa mga susunod na araw, ako si Sataz salamat sa pag babasa sa aking karanasan hanggang sa muli
BINABASA MO ANG
Tinta sa bawat ikaw
PoetryHindi maiiba ang pananaw, ika't ikaw pa rin ang iniisip tuwing dapit araw, inaalala ang ating munting sayaw kahit ang pakiramdam ko'y pumanaw, pagod na sa larong taguan, mauupo nalang at mag susulat hanggang mapuno ang pahina, uubusin ang tinta sa...