Sa bintana
Kita unang nakita, bumagal ang oras at pag lipas ng segundo, sa bawat ala alang sumusundo, walang pake sa paligid sapagkat naka silay ako at ako rin ay napatanong sino siya? O sino ka, dahil noon ko lang naramdaman na sa lahat ng sakit at pag hihirap mayroong imahe ang mag papakislap ng aking mga mata, mag tutunugan ang pilak, aking ikinagagalak, sa bawat pag tulo ng luha ng aking panulat, ikaw ang paksa o minimithi kong sinta.

BINABASA MO ANG
Tinta sa bawat ikaw
PoetryHindi maiiba ang pananaw, ika't ikaw pa rin ang iniisip tuwing dapit araw, inaalala ang ating munting sayaw kahit ang pakiramdam ko'y pumanaw, pagod na sa larong taguan, mauupo nalang at mag susulat hanggang mapuno ang pahina, uubusin ang tinta sa...