Hindi alam kung ano ang nagustuhan sa 'yo, siguro ang buhok mong malambot na sumasabay sa hangin o hindi kaya ang mga mata mong bilugan, siguro ang mga ngiti mong kay tamis, pwede rin naman ang tawa mong mala musika, kung may hihilingin ako sana ang mga yakap mo, walang alam na dahilan ang pag kabaliw sa iyo, siguro ok na ito, ikaw ang pipiliin at iibigin mula sa malayo, ikaw ang nag paalala sa akin kung paano mag mahal
BINABASA MO ANG
Tinta sa bawat ikaw
PoetryHindi maiiba ang pananaw, ika't ikaw pa rin ang iniisip tuwing dapit araw, inaalala ang ating munting sayaw kahit ang pakiramdam ko'y pumanaw, pagod na sa larong taguan, mauupo nalang at mag susulat hanggang mapuno ang pahina, uubusin ang tinta sa...