Ang salitang ilalaban ba o titigil ay dating mahirap pag isipan na ngayo'y dalawang salita nalang ang kailangan sabihin, hindi nag sisi, wala akong mali, nag pakatanga ng apat na taon kaya ngayo'y titigil na, wala kang kasalanan napamahal ako sa sariling imahinasyon, 'wag niyong tanungin kung gusto ko pa natural oo ang isasagot, tanga ako 'yan ang laging dahilan pero hindi na ito sapat na kahit mahal kita kasa sa sarili ko punyeta tama na, tinatamad na akong umibig sa taong tinatamad din kapag kasama ako
BINABASA MO ANG
Tinta sa bawat ikaw
PoetryHindi maiiba ang pananaw, ika't ikaw pa rin ang iniisip tuwing dapit araw, inaalala ang ating munting sayaw kahit ang pakiramdam ko'y pumanaw, pagod na sa larong taguan, mauupo nalang at mag susulat hanggang mapuno ang pahina, uubusin ang tinta sa...