Nararamdaman ko na, na nagiging masamang lalaki ako, papalit palit o paiba-iba kahit gaano karaming babae ikaw pa rin ang hanap ko, ikaw parin lagi, ilang taon na ang lumipas nag iba na ang aking itsura ang puso'y ko ay itim na rin, pero walang pinag kaiba, katulad ng dati, ikaw sa almusal, sa tanghali at sa hapunan, ikaw bawat pag inom ng tubig at sa bawat pag labas ng pinto, ako'y napadaan sa unang tagpuan, nakikita pa rin ang iyong matamis na ngiti, siguro nga'y ako na masama na, pero sa 'yo pa rin ako sasama, at sa kung sakaling ika'y kakatok ulit sa puso ko, hindi mag dadalawang isip mag bukas ito, dahil sa iyo ako, ikaw ang may ari ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Tinta sa bawat ikaw
PoetryHindi maiiba ang pananaw, ika't ikaw pa rin ang iniisip tuwing dapit araw, inaalala ang ating munting sayaw kahit ang pakiramdam ko'y pumanaw, pagod na sa larong taguan, mauupo nalang at mag susulat hanggang mapuno ang pahina, uubusin ang tinta sa...
