Teenage pregnancy—isa sa pangunahing problema ng mundo lalo rito sa Pilipinas. Proud batang-ina. At least hindi pinalaglag; Linyahan ng karamihan sa kabataang nabuntis ng maaga. Isinumpa niyang hindi siya gagaya sa mga ito. Magiging matalino siya pagdating sa pag-ibig. Bobo na nga siya sa acads sushunga-shunga pa ba siya sa pag-ibig.
Kaso totoo pala na kapag in-love na in-love ka hindi na nakakapag-isip ng tama. Lahat ng aksiyon tama na lahat para sa 'yo. Hindi niya namalayan na-fool-in love na siya ng todo. Jusko naman kasi! Sino ba naman ang hindi—isang Prometheus Guevarra De Ortouste 'yon.
Mabait ang pamilya—tanggap naman sana ang tulad niyang isang dukha. Hindi na sana lugi ang mga ito sa genes niya. Ang ganda niya—parang manika ang mukha, makinis at maputi kaya nga Tisay ang tawag sa kanya ng marami. Perfect sana sila ni Theus—Latte. Ang malaking problema ay itinago niya ang totoo niyang pagkatao—na anak siya ng taong muntik ng makapatay sa mga kapatid ni Theus na dahilan ng matinding paghihirap ng pamilya nito.
Wala talaga silang future. Mahirap ilaban. Kaya nag-desisyon na lang siyang mamuhay nang malayo kay Theus kasama ang remembrance mula ritong fetus sa sinapupunan niya.