Chapter 5

11.7K 694 82
                                    


SPECIAL Chapter 5

"BAKIT parang ang ganda-ganda ng araw mo ngayon?" puna ni Klarity kay Tisay. Ang pagkakatitig niya sa kawalan ay nalipat kay Klarity.

"Sa sobrang ganda, mukha ka ng tanga. You are smiling the entire class."

"Maganda talaga. Grabe, Klarity! Hindi ako makapaniwala na magkikita ulit kami ni Nognog. Hindi lang bastang nagkita kundi nagkausap kami. Nag-holding hands. Tapos nahawakan ko pa ang etits niya."

"Hoy grabe! Ano ba 'yan!" Tinakpan no Klarity ang sariling tainga.

"Totoo nga. Pero di ko naman 'yon sinasadya. Nahulog naman kasi ako sa swimming pool tapos tinulungan niya ako. Basta mahabang kuwento. Kuwento ko na lang sa 'yo sa ibang araw." Kinuha niya ang kanyang bag sa kanyang likuran at ipinasok doon ang notebook at ballpen.

"Nagpakilala ka na sa kanya?

"Hindi. Joan lang ang sinabi kong pangalan. Hindi pa ako handang makilala niya. Malay mo magkita ulit kami. Kung malaman niyang ako si Tisay na anak ng bumaril sa mga kapatid niya, baka hindi na ako kausapin niyon."

"That's sad naman."

"Tara na. Wala na pala si Sir." Tumayo siya at isinukbit sa likod ang backpack. Si Klarity ay agad na ring tumayo at isinukbit naman ang shoulder bag sa balikat. Sabay na sila nitong lumabas.

"Do you want to eat something?" tanong ni Klarity nang makalabas sila ng silid-aralan.

"Hindi na. Busog pa ako." Gutom na siya kaso ililibre na naman siya Klarity. Mapilit pa naman ang isang 'to. Saka wala siyang pang-snack kung ipipilit niyang siya ang magbabayad. Nagtitipid siya ngayon.

"I'm hungry, eh." Pinangunutan niya ito ng noo. Ang payat na babae nito pero ang lakas kumain.

"Don't look at me like that! Kahit naman ikaw malakas kumain, 'no!" Lumabi ito.

"Tara na. Sa inyo ka na lang kumain. Saan ka pala, sa parking? Hatid na kita."

"Hindi ako nagpasundo. Ayaw ko pang umuwi. Sama na lang ako sa 'yo. Sa inyo na lang ako tatambay muna."

"Ikaw bahala. Pero pancit canton lang kaya kong ipakain sa 'yo."

Namilog ang mata nito. "Oh, my God! I love that! Matagal na akong hindi nakakain niyan. Bawal sa bahay 'yan." Maselan kasi ang mga magulang nitong si Klarity. Nakakakain lang ito ng mga pagkaing pangmasa kapag kasama sila.

"Ilan mauubos?"

"Tatlo," mabilis nitong tugon na parang paslit na ipinakita ang tatlong daliri. Unti-unting lumapad ang ngiti ni Tisay.

"Tara na nga." Pinagsukbit nila ang kanilang mga braso. Bumungisngis si Klarity nang hilahin na niya ito at mabilis na naglakad. At dahil normal na sa kaibigan ang bagal kumilos lalo na sa paghakbang ay patakbo itong nagpahila sa kanya. Normal niyang hakbang ay takbo na kay Klarity. Kung siya ang mag-a-adjust para sabayan ang paghakbang nito, paniguradong aabutin sila ng ilang minuto pa bago makalabas ng university.

"Ang bilis mo naman maglakad," hinihingal nitong reklamo nang makalabas sila ng gate.

Napatawa si Tisay. "Hindi naman. Sakto lang. Mabagal ka lang talagang maglakad." Ganito nila ito madalas pag-trip-an ni Tukyo. Maglalakad sila nang mabilis habang hila si Klarity.

"Tara na." Hinila niyang muli ito sa direksyon kung saan ang paradahan ng jeep.

"Joan! Joan!" Napahinto si Tisay nang may marinig na pamilyar na boses. Bigla ang pagsikdo ng puso niya. Ano 'yon? Guni-guni niya lang ba 'yon?

The Kiss 1: The Wild KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon